Chapter 2: Torture

1.2K 46 2
                                    

Nandito ako sa library. Syempre, nagbabasa ako ng libro, pampalipas lang ng oras dahil lunch time ngayon. Nasaan si Chance? Ayun nasa syota niyang mukhang pusit. Joke! Ako yata ang mukhang pusit at si Laura naman ay isang sirena.

Hindi rin ako tinitingnan ni Chance o kinikibo o kinakausap. Ah basta! Hindi niya ako pinapansin. Kung mapapatingin man siya ay saglit lang at iiwas pa!

Magtatlong araw na kaming ganito. Bakit? Ganito yun:

"Magkaibang mundo na ang tinatahak natin." Sabi ko. Naningkit naman ang mga mata niya.

"What are you trying to say?" Nagtataka niyang tanong.

"Parang katulad mo. Ikaw ibang-iba ka na kumpara sa dati. Ngayon, sikat ka na at nasa iyo ang taong mahal mo kaya minsan na lang tao nagkakasama." Sabi ko.

"Oh? Is there any problem with that?" Tanong niya.

"Wala naman." Sabi ko. "Hindi lang siguro ako sanay na may tao kang kasama at hindi ako yun." Sabi ko.

Nakita ko ang pagkainis sa mukha niya. Anong problema nito? Wala namang masama sa sinabi ko, ah!

"So sinasabi mong nagbago ako? Ganun ba, Ateng?" Tanong niya. Tama ako! Naiinis siya! Pero, bakit naman?

"Wala akong sinasabing nag-"

"Hindi mo nga sinabi pero yun ang gusto mong iparating."

"Walang ganun, Aneng. Hindi ko gustong sabihin o iparating na nagbago ka."

"Bakit? Dahil ba sa lagi ko ng kasama si Laura kaysa sayo?" Tumigil muna siya. "Of course! Laura is my girlfriend. I should always be with her. Atsaka inaaya ka naman namin tuwing lalabas kami pero tumatanggi ka, di ba?"

Oo, tama siya. Inaaya niya naman ako pero tumatanggi ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit nga ba hindi ako sumasama sa kanila.

"So don't say that I've changed because I didn't." Cold ang pagkakasabi niya nan sakin. Sakto namang nag-ring ang bell kaya tumayo siya at ako.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon