Chapter 6: Kaya Nga Mahal

1K 30 4
                                    

Palapit na ng palapit ang araw ng prom night. Excited ako? Tss... Hindi ako excited... Ewan ko kung bakit.

"Lizalde, mali yang ginagawa mo!" Sigaw ni Ma'am Dingan sakin dahil mali ang ikot ko. Dapat sa kaliwa magsisimula pero nagsimula ako sa kanan. Wala kasi ako sa sarili ko dahil tinatamad ako kasi hindi ko ramdam ang prom night.

"Ganito." Sabi ulit ni Ma'am Dingan at tinuro kung paano. "Understood?" Tumango lang ako....

Halos limang oras kaming sumayaw ng sumayaw ng waltz na sasayawin namin sa prom night. Gaganapin nga pala ito sa isang sikat na hotel hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa ang Hermoso Palacio.

"Oh, bukas ulit ha." Sabi ni Ma'am Dingan at umalis na sa auditorium.

"Grabe talaga yang si ma'am, ano? Hassle magturo. Kakapagod." Daing nung babaeng kabatch ko sa pagsayaw.

Inaayos ko na agad ang bag ko dahil kating-kati na akong umuwi. Feeling ko may nakalimutan ako pero hindi ko lang alam kung ano iyon.

Habang pilit kong inaalala ang naiwan ko ay may tumawag sakin. "Fate, di ka pa ba uuwi?" Tanong ni Timothy, ang running para sa class valedictorian. Running din ako for class valedictorian kaya magkalaban kami pero ang laki ng pagkakaiba namin kasi ako ang 'nerd' type na valedictorian habang si Timothy ang 'cool' type na valedictorian.

"Hindi pa. Feeling ko kasi may nakalimutan ako eh." Sabi ko. Tumango lang siya at umalis kasama si Danna, ang girlfriend niya.

"Ano ba kasi yung nakalimutan ko?" Naiinis ko ng tanong sa sarili ko.

Napansin kong ako na lang pala ang naiwan sa auditorium kaya umalis na ako.

Habang naglalakad ako ay naalala ko na ang nakalimutan ko.

Ang panyo ko.

Bumalik ulit ako sa auditorium pero walang panyo ang nandoon. Bumalik rin ako sa canteen at classroom pero wala din. Bumalik ako sa lahat ng pwede kong puntahan pero walang sign ng panyo ang nandoon.

Mahalaga sakin ang panyo'ng iyon. Kumbaga, may sentimental value. Bakit? Kasi kay Chance yun at ninakaw ko pa tapos mawawala lang ng ganun kadali? Bwisit!

Mukhang wala ng pag-asang magpakita pa ulit sakin iyong panyo kaya uuwi na lang ako. Grabe nga eh! Sayang talaga iyon. Naman kasi Fate! Bakit mo winawala?

Umuwi ako ng bahay ng luhaan. Joke!

"Fate," Pagtawag sakin ni mama. "Po?"

"Para kang namatayan ng asawa." Sabi ni mama. Ngumiti na lang ako at tinapos ang kinakain ko. Wala talaga ako sa mood dahil nawala ang panyo'ng iyon.

"Labas lang po ako. May bibilhin lang po diyan sa tindahan." Sabi ko.

"Gabi na, ah. Ano bang bibilhin mo?" Tanong ni papa.

"Panyo po." Wala sa sarili kong sagot.

"Aba't ang dami dami diyang panyo ah." Sabi ni mama.

"Joke lang po yun. Sige po. Diyan lang po." Sabi ko at umalis.

Hindi naman talaga ako pupunta ng tindahan eh. Dito lang ako sa may terrace sa hrap ng bahay namin. Tatambay lang.

"Fate!" May tumawag sakin mula sa likod. Hindi ko naman kilala kung sino kaya nilingon ko. At. Nakita ko si Chance na kumakaway sakin.

Ngumiti lang ako at bumalik rin sa pagiging malungkot ko. Hay! Nasaan na kaya yung panyo'ng iyon?

"What's with the sad face?" Tanong ni Chance sabay upo sa tabi ko.

Umiling ako. Nagulat naman ako dahil hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sa kanya.

"Ano nga kasi ang problema mo?" Tanong ulit ni Chance.

"W-wala nga." Nahihirapan pa akong magsalita dahil nakabanat ang bibig ko at kinikilig ako.

"Ganyan ka naman eh," Sabi niya at binitawan ang pisngi ko at nagtampu-tampuhan effect. "Hindi ka naman na kasi nagsasabi sakin. Paano ba naman? Bestfriend lang pala ako." Sabi niya.

Bahagya naman akong natawa sa reaksyon niya. Hay! Miski kailan kasi ang mokong na ito ay napapasaya ako. Kaya nga mahal ko ito eh....

"Ito naman!" Sabi ko at bahagya siyang tinulak. "Namomroblema ako kasi nawawala yung panyo mo?" Sabi ko.

Tumingin siya sakin at kinunot ang noo. "Aling panyo?" Tanong niya.....

"Yung checkerd na kulay red and white."

"Ah," Mahaba ang pagkakasabi niya nan. "Yung ninakaw mo." May bahid ng pagkasarcastic ang tono niya kaya sinapak ko na.

"Oh? Totoo naman eh! Ninakaw mo yun!"

"Hindi kaya!"

"Oo kaya!"

"Hindi kaya! Binigay mo po kaya iyon!"

"Sa pagkakaalm ko ay paborito ko ang panyo na iyon kaya bakit ko ipamimigay?"

Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Ganun pala siya noh? Pinahahalagahan ang mga bagay na kanya.

Nagulat naman ako nung bigla niyang pinisil ang ilong ko at tumakbo palayo sakin.

"Nasa bahay namin yung hinahanap mo." Sabi niya habang tumatakbo pauwi.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapngiti dahil sa sinabi niya. Oo nga nasa bahay nila ang hinahanap ko at si Chance yun--este--yung panyo pala.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon