Chapter 55: Sarili Ko

941 20 2
                                    

"You may now kiss the bride." Sambit nung pari na nagkasal kay Tita Gwen at Tito Paolo.

Ayon sa nakalap ko, matagal ng magkakilala si Tita Gwen at Tito Paolo. Bago pa magpakasal si Tita Gwen kay Tito Hans na papa ni Chance ay magkakilala na sila. Sa katunayan nga ay high school sweethearts sila.

Umalingawngaw ang palakpakan ng mga imbitado sa kasal nang halikan ni Tito Paolo si Tita Gwen. Napatingin ako sa gawi ni Chance. Nakatingin siya sakin kaya napaiwas ako.

Sa beach ang reception. Naalala ko tuloy yung Isla Sabelino. Nagkaroon ng mini program tulad nung isusuot nung nakakuha ng garter ng groom dun sa babaeng nakakuha ng bulaklak ng bride.

Sinerve ang food pagkatapos ng mini program. At pagkatapos kumain ay nagbigay ang mga kamag-anak ng mga newly weds ng mensahe para sa kanila.

Huling nagbigay ng mensahe si Chance. Simple lang ang sinabi niya pero umiyak si Tita Gwen. Kahit naman sigurong nanay ay maiiyak dahil mensahe ng isang anak. Simple man o hindi.

Nandito rin ang kuya ni Chance. Hindi naman kami close nun dahil nung makilala ko si Chance ay wala na siya sa bahay nila.

Medyo inaantok na ako kaya naman napagpasayahan kong maglakad-lakad muna sa dalampasigan.

Lumabas ako dahil kanina ko pa napapansin ang mga titig ni Chance. Hindi man ako nakatingin sa kanya ay halata at ramdam ko ang mga titig ng isang William Chance Gil.

Humampas ang malakas na hangin gaya ng paghampas ng alon. Napakapit ako sa magkabila kong braso. Mabuti na lang at hindi nakalugay ang buhok ko dahil kung nagtaon, babalik ako sa reception ng magulo at mukhang bruha.

Nakaramdam ako ng kung anong tela na tumapal sa likod ko. Napatingin ako sa tumabi sakin na nakaputing polo shirt, necktie na itim at nakapamulsa.

"Bakit ka lumabas? Bakit wala ka man lang dalang pantapal sa balat mo?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Chance. "Salamat." Yan na lang ang nasabi ko.

Tumingin ako sa langit. Kumikinang ang mga bituin.

Narinig kong bumuntong-hininga si Chance. Ano na naman ba ang problema niya?

"Fate," Tawag niya. "I'm sorry." Sambit niya. Napalunok ako.

"Sorry kasi wala na akong ibang ginawa kung hindi ang saktan ka... Sorry kasi nangako ako sayo na hindi kita sasaktan tapos hindi ko natupad... Sorry talaga, Fate." Sabi niya. Pumikit ako ng mariin at dahan-dahan na bumuntong-hininga.

"Mahal na mahal kita, Fate."

Napalunok ako. Tumatalon sa tuwa ang puso ko dahil sa sinabi ni Chance pero mahirap pa rin paniwalaan.

Kinuha ko ang nilagay ni Chance sakin. Inabot ko yun sa kanya. "Salamat ulit." Sabi ko at naglakad na pabalik sa reception. Hindi ko na siya nilingon pa.

Ilang minuto na naman ang tinagal ko sa reception. Hindi na ako makasali sa usapan ng mga katable ko dahil sa okyupado na naman ni Chance ang isipan ko.

Ilang minuto na naman ang lumipas ay sinabi nun emcee na magsisimula na ang pagpapalipad ng lanterns kaya maaari na kaming pumunta sa tabing dagat kung saan ito gaganapin.

"Fate," Tawag sakin ni Chance na may dalang lantern na nakailaw na. "Sabay nating paliparin?" Tanong niya.

Ngumiyi ako kahit na pilit at hinawakan ang lantern. Napatingin ako sa langit. May mga lumilipad na lantern na.

"Go?" Nakangiting sabi ni Chance.

Pinagmasdan ko maigi si Chance at inalala lahat ng alaala naming magkasama. Maganda man o hindi. Masaya man o hindi. Inalala ko lahat basta magkasama kami. Hindi ako naiiyak. Ewan ko ba, pero natutuwa ako. Natutuwa ako dahil wala ni isang luha ang nagbabadyang tumulo at kumawala sa mga mata ko.

Pinapangako ko na ito ang huling beses na kakausapin ko si Chance. Hindi sa dahil hindi ko na siya mahal kung hindi dahil ito ang dapat at gusto kong gawin. Gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari samin ni Chance. At lahat ng nangyari sakin.

"Kasabay ng pagbitiw ko dito sa lantern na ito ay ang pagbitiw ko sayo, Chance." Sabi ko at binitawan ang lantern. Napaawang ang bibig niya. Nabitawan niya ang lantern. Alam kong dahil lamang iyon sa nabigla siya. Pinanood ko ang lantern namin ni Chance. Matayog na ang nararating niya.

"A-anong ibig mong sabihin, Fate?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang halu-halong ekspresyon. Pagkagulat. Pagkalungkot. Pagkadismaya. Basta. Iba't iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Masakit para sakin na bitawan ka, Chance, dahil mahal kita. Sobrang mahal kita. Pero kailangan ko ring isipin ang sarili ko. Kailangan kong buoin ang sarili ko, Chance." Sabi ko at pilit na ngumiti.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"P-pwede mo namang buoin ang sarili mo, Fate, nang kasama ako, di ba? T-tutulungan kita, Fate." Sabi niya. Umiiyak siya at nararamdaman ko na rin ang mga luha ko. Bakit kapag nakikita ko siyang umiiyak ay napapaiyak ako?

Pinunasan ko ang luha niyang tumulo gamit ang isa kong kamay.

"Salamat pero sa tingin ko, mas kailangan ka ng sarili mo. Kailangan mo ring buoin ang sarili mo, Chance." Sabi ko.

"F-fate, huwag, please? Hindi ko kaya? Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? Gusto mo bang lumuhod ako? Sige! Gagawin ko! Ngayon na mismo! Huwag mo lang akong iwan!" Sabi niya at lumuhod nga.

"Chance!" Nagulat naman ako dahil sa pagluhod niya. Lumuhod rin ako para maging kapantay siya.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Hinawakan niya rin ito at hinalik-halikan pa. Basa na nga ang mga palad ko dahil sa mga luha niyang patuloy sa pagtulo.

"F-fate, hindi ko talaga kaya... Huwag mong gawin sakin ito, please?" Garalgal ang boses niya dahil sa pag-iyak niya.

Napalunok ako. May tumulo na rin palang luha sa pisngi ko.

"Kailangan nating gawin ito, Chance. Buoin natin ang mga sarili natin. Kapag nabuo natin ang sarili natin, baka sakaling pwede na tayo." Sabi ko.

"Paano ko bubuoin ang sarili ko kung wala ka? Ikaw ang bumubuo sakin..."

Napapikit ako. Huwag mong gawing kumplikado ang lahat, Chance. Please!

Inalis ko ang mga kamay ko sa pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Ako naman ang hihingi ng sorry sayo, Chance." Sabi ko. "Sorry, Chance, pero kailangan kong gawin ito. Kailangan kitang bitiwan para mabuo ko ang sarili kong nasira dahil sa pagmamahal ko sayo." Sabi ko at tumayo. Naglakad ako. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. Naririnig ko ang paghagulgol ni Chance.

"Fate!" Garalgal na ang boses niya dahil na rin siguro sa pag-iyak niya. Hindi ko na siya nilingon pa dahil baka manlambot na naman ako at magbago pa ang isip ko.

I'm sorry, Chance. Mas pinili ko lang ngayon ang sarili ko kaysa sayo.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon