Chapter 1: Magkaibang Mundo

1.5K 43 6
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng Partridge University. First day of school na ngayon. 4th year na ako! Ay kami pala.

Dapat si Chance ang kasabay ko dito pero as usual. Hindi niya ako masasabayan dahil na naman kay Laura. Syempre, hindi ko maiwasan ang hindi magtampo dahil nagkaroon lang siya ng girlfriend ay nakalimutan na ako.

Well, masyado naman akong exagge. Hindi niya naman ako nakalimutan, what I mean is, nagkaroon lang siya ng nobya ay hindi na kami nakakapagbonding tulad ng dati. Selos? Sus! Sanay na ako kaya parang wala na yan sakin.

Tatlong taon na rin si Chance at Laura. Matibay ba? Tss.... Masisira din yan. Joke!

Pero hindi naman ako plastik para hindi sabihin na sana magbreak sila, ano? Syempre, hindi ko maiiwasan yun pero minsan naman ay sumasagi sa isip ko na kawawa ang bestfriend ko kung maghihiwalay sila dahil sobra niyang mahal si Laura.

Okay, enough of that. Baka umiyak ako ng wala sa oras nito, eh.

"Fate!" Kilala ko ang boses na ito. Kilalang-kilala.

Agad naman kong lumingon at nakita siya. Patakbo siyang lumapit sakin at kasabay nun ang pagbilis din ng bawat pintig ng puso ko.

I have no doubt that I reall love this boy. I really love my bestfriend.

"Ano?" Mataray kong tanong sa kanya. Agad naman niyang tinaas ang isang kilay niya at, "May dalaw?"

Kaya agad ko namang pinalo ng malakas ang braso niya at binitawan ang salitang, "Sira!"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pwedeng umamin ulit? Inaamin ko na kahit sa simpleng ganito ay kinikilig ako. Ewan ko ba kung bakit ganyan na lang ang epekto nitong si Chance sakin.

Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na sumabay siya sakin. Teka..... Nasaan si Laura?

Tumigil ako kaya napatigil din siya. "What's your problem?" Tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at, "Where's your girlfriend?"

"She has flu. I have her excuse letter. Why?"

"Nothing." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay naman siya pero may nararamdaman akong tanong na ikatatakot ko na lalabas mula sa bibig niya. In,

5

4

3

2

1

"Evangeline Fate Lizalde," Tawag niya sa buong pangalan ko. Hindi ako umimik o ano. Hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya. "Are you jealous?" Mapanloko niyang tanong sakin.

Napatigil naman ako at agad siyang hinampas ng dala kong bag sa braso niya. "Abnormal ka! Bakit naman ako magseselos, ano?" Sabi ko habang pinapalo siya ng bag ko.

Napagod ako kaya tumigil din ako. Natuwa naman ako sa kanya dahil ginawa niyang shield ang braso niya.

"Ayaw pa kasing aminin na nagseselos siya." Sabi ni Chance.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon