Chapter 42: Tug Of War

931 21 1
                                    

Kakalabas ko lang ng kwarto ko dala ang gamot sa sakit  ng ulo ni Chance ng may bigla akong harangin. Tumingala ako para makita ang mukha niya at napaatras ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sakin.

"Anong ginagawa mo dito, Chance?" Tanong ko.

Shemay! Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa malapit niyang mukha kanina.

"Ikaw ba ang nagsabi sa kanila nun?" Tanong niya.

Lumaplapit siya habang ako naman ay umaatras.

"A-alin?"

"Hindi na pala dapat kita tinatanong dahil ikaw lang naman talaga ang nakakaalam nun..." Sabi niya.

Patuloy lang ako sa pag-atras habang siya ay patuloy na humahakbang palapit sakin.

"S-sinabi mo rin naman kasi sa kanila y-yung mga sikreto ko eh..." Diin ko.

Napatigil ako sa pag-atras dahil sa pader. DEAD END SHIT!

Tinuon niya ang dalawa niyang kamay at kinulong ako sa mga braso niya. Nilapit niya ang mukha niya sakin kaya iginilid ko ang ulo ko at mariin kong pinagdikit ang mga labi ko at pinikit ang mga mata ko.

"Kung gagawin ko ba ito, ipagkakalat mo pa rin?" Bulong niya. Ramdam ko ang hininga niya sa bibig ko. May kung anong kumiliti sa batok ko gayung wala naman akong kiliti sa parteng yun.

Hindi pa rin ako dumidilat. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Chance sa baba ko at pinihit ito.

Ramdam ko na ngayon ang hininga niya sa labi ko.

"Shit!" Bulong niya.

Ilang segundo ang lumipas bago ko buksan ang mga mata ko. Nakita ko na lang na papalayo si Chance sakin. Natulala ako. Bagal ang lakad niya at nakapamulsa na naman.

Biglang dumaan sa isip ko na masakit nga pala ang ulo niya kaya hinabol ko siya. "Chance!" Sigaw ko at hinatak ang braso niya.

Nakawala sa bulsa niya ang isang kamay niya dahil sa paghatak ko.

"I-ito yung gamot." Sabay lahad sa kanya nung gamot na dala ko.

Tiningnan niya iyon sabay baling sakin. "Hindi ko na kailangan yan." Sabi niya at umalis.

Pinanood kong umalis si Chance nang biglang sumulpot si Scotty. Tumigil siya nang makita si Chance galing sa direksyon ko.  Nagkatinginan silang dalawa na para bang nag-uusap.

Ano kaya iyon?

Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Scotty.

"Bakit magkasama kayo ni Chance?" Tanong niya nung pabalik na kami sa deck.

"Sumakit kasi yung ulo ni Chance. Eh humingi ng gamot kaya ayun, binigyan ko." Pero hindi naman kinuha.

"Sayo ba siya nanghingi?"

"Hindi. Nagkataon lang na ako lang yung may gamot sa sakit sa ulo kaya ayun." Sabi ko.

Pagkadating namin dun sa deck ay nagkwentuhan na lang ulit kami. Lahat kami nandito except kay Chance. Mag-isa kasi siya habang nakatuon sa railings ng barko. Gusto ko nga sanang lapitan kaso anong sasabihin ko sa kanya? Tatanungin kung ano ang nararamdaman niya para sakin?

Atsaka, sa tuwing susubukan kong tumayo pinipigilan ako ni Scotty. Napapakunot noo na nga lang ako sa ginagawa niya.

Sumapit ang dilim, kakatapos lang namin maghapunan. Medyo pagod na rin kaming lahat.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon