Chapter 4: Gusto Ko Ikaw Eh

1.1K 35 3
                                    

Linggo ngayon at nakatambay lang ako dito sa sofa ng kwarto ko na malapit sa bintana habang pinagmamasdan ang pumapatak na ulan. Emo lang ang peg ko.

Hanggang nagyon ay iniisip ko pa rin yung nangyari kagabi. Ganun na lang ba talaga ang galit sakin ni Chance?

Binuksan ko ang twitter at facebook ko pero sandali lang dahil puro kalokohan ang laman.

Kalokohan which pertains to posts from Chance to Laura. Nakakapanselos.

Nawindang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Chance sa inbox ko.

Chance:

Fate, punta ka sa bahay.

Bakit naman kaya biglaan akong pinapunta nitong kumag na ito sa bahay nila?

Nagreply ako pero hindi na siya sumagot kaya agad akon kinabahan. Nagpaalam ako kina mama at papa na pupunta ako kina Chance. Tumawag ako sa bahay nila pero walang sumagot at bukas ang gate kaya pumasok na ako.

Nagmamadali akong pumasok sa bahay nila pero walang tao. Nasaan kaya ang mga tao rito? Agad naman akong nakarinig ng lumagapak sa sahig mula sa ikalawang palapag ng bahay nila Chance kaya umakyat agad ako.

Nakita kong sarado ang pintuan ng kwarto nila Tita Gwen at Tito Hans maging ang pintuan ng kwarto ng Kuya ni Chance na si Kuya Tim dahil nag-aaral na ito sa ibang bansa.

Ang pintuan naman ng kwarto ni Chance ay may awang. Binuksan ko yun at nakita siyang nasa lapag habang balot na balot ang katawan sa kumot at umuubo-ubo pa.

Inalalayan ko naman siya para makahiga sa kama.

Inayos ko ang kumot niya. "Hi F-fate." Bati niya sakin. Nakita ko siya ngumiti pero umubo rin. Gago talaga at inubuhan pa ako sa mukha.

"Gago ka talaga eh, no. May sakit ka na pero nakukuha mo rin mangasar." Sabi ko.

"Hindi naman ako nang-aasar." Sabi niya.

Inirapan ko na lang siya. "Saglit lang. Kukuha lang ako ng mainit na tubig at bimpo." Sabi ko at umalis na para kumuha ng mainit na tubig at bimpo.

Nung makakuha ako ay agad ko siyang pinunasan at pinagpalit ng damit.

"A-ako na." Sabi niya nung umaktong huhubarin ko ang damit niya. Dahil sabi niya na siya na ay hinayaan ko na. Kaya niya naman eh kahit alam kong hindi.

Nahihirapan siyang maghubad dahil alam kong nanghihina siya. "Kaya mo?" May bahid ng pang-aasar ang tono ko.

Umiling siya. "Ako na." Sabi ko.

Nung hinubad ko ang t-shirt niya ay agad namang naging violent ang mga mata ko. Minamanyak ko ang bestfriend ko. Eh kasi naman eh! Ang 6-packs niyang abs ay nakikita ko.

Isinuot ko na lang ang panibago niyang t-shirt dahil baka magkasala ako ng wala sa oras.

Bumaba ulit ako para kumuha ng cup noodles at ipakain sa kanya.

"Oh. Ah" Sabi ko habang sinusubuan siya. Sinubo ng mokong ang kutsarang may lamang sabaw ng noodles. Pagkatapos nun ay ngumiti siya.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon