Chapter 27: Nakikita Ko

964 25 4
                                    

"Naibigay ko na ang mga handouts and coverage ng exams ko. You may now go. Class dismiss." At tumayo na ang prof. namin at umalis na.

Niligpit ko ang mga gamit ko ganun din ang ginawa ni Bonnie.

"Ano? Napabago mo ba yung bestfriend mo?" Bungad na tanong sakin ni Bonnie nang makalabas kami sa classroom.

Umiling ako. "Hay nako! Sinasabi ko sayo. Wala nang magpapabago diyan kay Chance." Sabi niya.

"Bakit ako magbabago?" Napalingon kami ni Bonnie sa nagsalita. Si Chance. Nakatingin siya ngayon kay Bonnie.

"Ah... Eh..." Hindi nakapagsalita si Bonnie.

"Bakit ako magbabago?" Sabay baling ng tingin sakin.

"Ah... Ano... U-uhm..."

"Nagbabago na naman ba ako, Fate?" Tanong niya.

Hindi ako sumagot.

"Tss... I knew it... Your just like one of them." Sabi niya at nilagpasan kami. Ako.

Pinanood lang namin siya ni Bonnie.

"People do change. Kahit pa ang taong nakasama mo simula nung sabay silang namulat sa buhay." Sabi ni Bonnie at umiling-iling pa.

Free time ko ngayon at si Bonnie naman ay hindi. Wala akong maisip na gawin kung hindi maglakad ng maglakad para makapag-isip tungkol sa ma nangyayari.

Ano ang nangyayari samin ni Chance? Bakit parang nagbabago na ang lahat? Dahil ba kay Laura o dahil rin kay Chance?

Ugh! Parang puputok na ang ulo ko sa sobrang pag-iisip.

Si Phillip at Laura naman ay hindi ko napapansin. Mmmm. Kung sa bagay, malayo-layo din naman ata ang building nila.

"Ano yung pinag-uusapan niyo ni Bonnie ba yun?" Napatigil ako sa paglalakad at napalingon. Nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa isang pader at nakapamulsa. Derecho ang mga tingin niya sakin na tagos hanggang kaluluwa ko.

"Ah... W-wala yun."

"You don't have to lie, Fate, narinig ko ang pag-uusap niyo." Tumindig ang balahibo ko nang unti-unti siyang lumapit sakin.

Napalunok ako nung tuluyan na siyang nakalapit. Ang gwapo pa rin niya kahit pa nagbago ang ugali't pakikitungo niya sakin.

"Uulitin ko," Umiwas siya ng tingin saglit at binalik ulit sakin. "Ano yung pinag-uusapan niyo kanina?"

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon