Chapter 31: 500,000

899 29 3
                                    

Tumigil kami sa harap ng isang boutique. Tumingin ako kay Scotty pero nakababa na siya. Napatingin naman ako sa bintana sa tabi ko dahil kumatok si Scotty dun. Sinenyasan niya ako na dapat na akong lumabas.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Tanong ko nung makalabas ako sa kotse niya.

"Ang dami mo laging sinasabi. Bilisan mo na lang at baka mahuli tayo." Sabi niya at pumasok kami sa boutique.

May dalawang babaeng nag-aassist samin. Yung isa sakin at yung isa sa kanya. Habang nasa fitting room ako bigla kong naalala. Model nga pala siya.

Napailing tuloy ako. Sabi ni Scotty, pumili daw ako ng damit mula sa mga pinamili ko at yun ang isuot ko ngayon. Kaya ginawa ko. Hindi ko nga alam kung bakit sinusunod ko ang mokong na ito.

Maraming pinamili si Scotty. Para sa sarili niya at para sakin. Kukuha na dapat ako ng pera sa wallet ko ng hawakan niya ang kamay ko.

"Isipin mo na lang na dirty ice cream ito, tig-lilimang piso lang at ako ang magbabayad. Libre ko, kung baga." Sabi niya.

Napaawang ang bibig ko.

"500,000." Sabi nung cashier. Mas lalong bumukas ang bibig ko.

WTF? Para sa mga damit na yan? Pwede naman kasi yung mga tig-50 lang sa bangketa eh.

Binigay niya sa cashier ang credit card niya.

"Ah, I almost forgot. Mayroon ba kayong binebentang mga maleta?" Tanong niya.

"Yes, sir."

"Ah, sige, pakibigay sakin yung pinakamahal na maleta. Dalawa. Dun mo na rin ilagay yung mga pinamili ko. Bukod yung garments ko atsaka nung kanya." Sabi niya at tinuro ako.

Tumango lang yung cashier at tumawag ng dalawang saleslady para kumuha ng maleta.

Wala ako sa sarili ko nung pumasok kami sa kotse. Ni hindi ko nga namalayan na nasa kotse na kami eh.

"Bakit natahimik ka? Ngayon ka lang ba nakapagshopping?" Tanong niya.

"Hindi."

"Eh bakit parang may lamay yang mukha mo?"

"Hindi ka ba talaga nanghihinayang sa pera? O baka naman sanay ka nang laging may pinagkakagastusan?"

"Yung pangalawa. Lalo na kung ang pagkakagastusan ko ay yung mga taong gusto ko."

"Sino na ba ang mga napagkagastusan mo? Mga babae mo siguro noh?"

"Babae sila, oo pero hindi sila ordinaryong mga babae lang kasi sila yung mga parte ng buhay ko."

"Sino?"

"Si mama at ang kapatid ko." Sabi niya. "At ikaw, kasi parte ka na rin ng buhay ko." Dagdag niya.

Natahimik ako. May meaning ba yun? O ayoko lang talaga mag-assume? Mmm. Siguro yung huli.

Nakarating kami sa daungan ng mga barko. Bumaba si Scotty sa ktse kaya bumaba na rin ako. Pumunta siya dun sa trunk ng kotse at kinuha ang maleta namin pareho.

Ang lakas ng hangin. Yung buhok ko ay nadadala pati na rin ang sumbrerong binili ni Scotty.

Pumunta kami dun sa hagdan ng barkong sasakyan namin. Agad bumalandra samin ang tatlong lalaki, tatlong babae at si Bonnie.

"Fate!" Bati ni Bonnie at lumapit sakin. "Akala ko di ka sasama?" Tanong niya.

"Ayo-"

"Thank me." Sabi ng taong katabi ko.

Nagulat naman ako dun sa babaeng sumigaw. "OMG! Kasama ka pala, Chance?" Napalingon ako. Maging si Scotty rin.

Kasama si Chance? Bakit hindi ko alam?

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon