Chapter 34: Nagsinungaling

927 29 1
                                    

Pagkadating namin sa Isla Sabelino ay bumyahe pa kami ng fifteen minutes para makarating sa hotel galing sa daungan ng mga barko.

Nang makarating kami ay ramdam na ramdam mo ang hangin ng dagat na medyo maalat dahil sa dagat.

Bukod dun ay mamamangha ka sa sobrang ganda. Katulad sa barko namin, tig-iisa ang mga kwarto namin. Ang kwarto ni Bonnie at ni Scotty ay katabi ko lang.

Sabi ni Bonnie, magbibis daw ako ng maganda dahil sabi ni Scotty magkakaroon kami ng dinner sa tabi ng dagat. Tinanong ko kung kasama sila. Sa awa ng Diyos, ay kasama sila.

"Fate!" Katok ni Bonnie. "Bilisan mo nga!"

"Saglit na lang." Sabi ko naman at humarap ulit sa salamin.

Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng very very light make-up (sa sobrang light hindi mahahalatang nagmake-up). Suot ko yung binili ni Scotty na black flowy dress na hanggang paanan ko, hindi tube ang style ng damit dahil nakacross straps ito. Sandals ang suot ko dahil buhanginan ang lalakaran namin.

Binuksan ko ang pintuan. Napanganga si Bonnie.

"Shit. Sabi ko na nga ba, overdressed ako eh. Saglit magpapalit lang ako." Sabi ko at pumasok ulit sa loob kaso hinatak ako ni Bonnie.

"Anong overdressed?" Napatingin ako sa kanya. "Hindi ba?" Tanong ko.

"You look gorgeous!" Namula ako sa sinabi ni Bonnie. Hatak-hatak niya ako hanggang sa makarating kami sa isang cottage kung saan mayroong round table at nandun sila.

Nang makarating kami sa cottage ay kinabahan ako dahil tumigil sila sa pagtawa nubg makita ako. Tumingin si Chance sakin at napaawang din ang bibig.

"Fate?" Napatingin ako dun sa tumawag sakin. Si Scotty.

"Fate, ikaw ba talaga yan?" Tanong niya. Umupo kami ni Bonnie sa bakanteng upuan. Ganun rin si Scotty.

"Ang ganda mo talaga, Fate."

"Salamat."

Hanggang sa magsimula kaming kumain ay ang topic ay ako. Na ang ganda ko raw pala kapag nag-ayos, Na bagay sakin ang light make-up etc. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako kay Chance. Nakatingin lang siya sa malayo habang umiinom ng alak (lagi naman eh) at ang kanyang pagkain ay nakatambay lang sa plato niya sa harapan.

"Nasaan yung kwintas na bigay ko sayo?" Tanong ni Scotty. Nakita kong napatingin si Chance sakin.

Shit!

"Naiwan ko sa kwarto." Sabi ko.

"Amin na yung susi mo para makuha ko." Sabi niya at naglahad ng kamay. Umiling ako. "Hindi na. Ako na lang." Sabi ko at tumayo.

"Samahan na lang kita." Sabi ni Scotty at aktong tatayo na rin.

"Hindi ka pa tapos kumain, Scotty... Eh ako tapos na kaya ako na lang ang kukuha..."

Umalis na ako at dumerecho sa kwarto ko. Nung makuha ko ang kwintas ay hindi ko muna sinuot at nagsisisi ako dahil may biglang tumakbong mga lalaki sa gawi ko kaya nalaglag yung kwintas.

"Hindi niyo ba ako nakita?" Sigaw ko sa kanila pero nakatakbo na sila sa malayo.

Napanguso ako sa kanila at lumuhod para hanapin ang kwintas.

"Fate, nasaan yung kwintas?" Bungad na tanong ni Scotty sakin.

"A-ah... Kasi... Ano... Scotty..." Paano ko ba sasabihin?

Napatingin ako sa buong lamesa. Halos lahat sila ay nag-aabang sa sagot ko pwera na lang kay Chance dahil wala ng nakaupo sa upuan niya. Huh? N-nasaan si Chance?

"N-nasaan nga pala si Chance?" Tanong ko.

"Ewan namin, umalis pagkalipas ng ilang minuto nung umalis ka... Baka nasa kwarto na niya..." Sagot ni Nelson na katabi ni Chance kanina.

Bakit hindi ko siya napansin? Baka nagkasalisihan kami.

"Nasaan yung kwintas?" Tanong ni Scotty.

"Nawala yung kwintas, Scotty." Sabi ko at yumuko. "Nawala dahil may tumakbo na mga lalaki sa may gawi ko tapos ayun nalaglag yung kwintas, di ko naman mahana-"

"Ayos lang..." Nakangiti siya nung sinabi niya yan. Hindi siya galit, seryoso? "Napapalitan ang kwintas pero hindi naman mapapalitan ang pagmamahal ko sayo."

Bakit nga ba hindi na lang si Scotty ang mahalin ko? Ah. Kasi hindi naman natuturuan ang puso.

Narinig ko ang tuksuhan ng mga nasa paligid ng table. Nung matapos kaming kumain ay nagka-ayaang mag-inuman... Si Bonnie naman ay game na game, ganun rin si Scotty samantalang ako ay umaayaw. Sabi ko sa kanila, magbabanyo lang ako kahit ang totoo naman ay maglalakad-lakad lang ako sa dalampasigan. Sinabi ko lang yun para hindi ko makasama si Scotty.

Gusto ko kasing mag-isip. Yung ako lang. Para walang sagabal sa pagmumuni-muni ko.

Habang naglalakad ako ay nakatingin ako sa taas. Kita mo talaga ang mga bituin kapag nasa dagat ka.

Nung mapunta sa derecho ang tingin ko ay nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakaupo sa buhanginan. Kahit hindi ko siya lapitan, alam ko na kung sino ito.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Nagulat siya dahil napatingin siya sakin nang nakataas ang isang kilay. Ngumiti ako. Umiwas siya ng tingin.

Silence. Awkwardness. Yan yung mga nararamdaman ko ngayon sa tabi ni Chance.

"Nagsinungaling ka sakin, Fate."

Napatingin ako sa kanya. Sakto naman at napatingin siya sakin. "Bakit kailangan mong ilihim sakin ang nagbigay sayo nito?" Tanong niya at tinaas ang isang kamay na may hawak na kwintas. Yun yung kwintas na bigay ni Scotty.

"Paanong-"

"Ako yung nag-utos sa mga lalaki na banggain ka at kuhanin ang kwintas mo..." Tumayo siya. Nakaangat ang ulo ko para tingnan siya.

"Bakit yung kwintas na binili ko para sayo, hindi mo sinusuot pero bakit yung sa Scotty na yun sinusuot mo?" Tanong niya. Nilagpasan niya ako at nagsimulang maglakad kaya tumayo na ako.

"Chance." Tumigil siya sa paglalakad. "Sorry." May nakatakas na luha sa mga mata ko. Tumalikod siya at lumapit sakin.

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at nilagay dun ang kwintas... Hindi siya nagsalita, bagkus, tinalikuran niya ako at nagsimula na namang maglakad.

Tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang mukha ko dahil sa paghagulgol ko.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon