Chapter 11: Maghintay Ka Lang

1K 31 2
                                    

Kumakain kami ngayon. Mabuti na nga at nagising si Peter. Para naman hindi ko OP sa dalawang magkasintahan.

Kaming apat na lang pala ang nandito sa resort dahil hindi raw makakapunta si Oscar at ang dalawa pang kaibigan ni Laura.

Nabalik naman ako sa wisyo nung siniko ako bigla ni Peter.

"Masakit na ba?" Tanong niya. Sumulyap ako kina Chance at Laura na ngayon ay nagsusubuan. Ano? Wala ba kayong sariling mga kamay?

Tumingin ako kay Peter at, "Kanina pa." Sabi ko.

Ngumiti lang siya. "Might well prepare yourself 'coz there's more hurtings for you to come." Sabi niya at bumalik ulit sa pagkain.

"Why would I prepare for it if I'm used to it? So, no worries." Sabi ko.

"Okay. If you say so."

Nagpatuloy lang si Peter sa pagkain maging sila Chance at Laura. Ako lang ata ang hindi nakakain ng maayos eh.

Hay! Ano ka ba, Fate? Tatlong araw ka pang masasaktan. Kaya tiisin mo na.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos din silang kumain. Napagpasyahan nila na pumunta sa may dalampasigan at hintayin ang paglubog ng araw.

Kasabay kong maglakad si Peter habang nasa unahan namin sila Chance. Napansin kong hindi lang pala kami ang tao dito sa resort. Akala ko kasi ay kami lang.

"Doon lang kami, Pete." Sabi ni Chance at tumuro sa hindi naman kalayuan na lugar.

"Anong gagawin niyo dun?" Tanong ko.

"Doon na lang namin hihintayin ang paglubog ng araw." Sabi ni Laura.

"Eh bakit-"

"Sige, ingat kayo." Pinutol ni Peter ang sasabihin ko.

"Dude, paki-bantayan si Fate." Sabi ni Chance sabay baling sakin.

"At ikaw, mag-iingat ka." Sabi niya na para bang tatay ko siya.

Umalis na sila dahil hinatak ni Laura si Chance. Ako naman ay pinanood lang silang papalayo sakin.

"Bilib talaga ako sayo." Sabi nitong kasama ko.

"At bakit?" Sabi ko at nag-cross arms.

"Kasi nagagawa mong itago ang nararamdaman mo ng hindi niya napapansin o nararamdaman."

"Kaya nga tago, di ba? Hindi dapat malaman. Duh!"

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon