Chapter 41: Lagot Ka Na

894 21 0
                                    

Pagkatapos magswimming sa dagat ay naghanda at nagbihis agad kami. Ngayon kami uuwi.

"Nag-enjoy ka ba, Fate?" Tanong ni Scotty.

Tumango ako. "Oo. Sobra." Sabi ko.

Nang makarating kami sa pier ay nag-aabang na doon ang barkong sinakyan namin noon papunta dito sa Isla Sabelino.

Bago ako sumakay ay suminghap muna ako at pinagmasdan maigi ang dagat na bumabalot sa barko namin.

"Fate!" Sigaw ni Bonnie habang minumuwestra na pumasok na ako.

Kumain kami ng lunch sa deck ng barko. Bumabalik sakin ang nangyari doon sa kusina nitong barko. Yung umamin sakin si Scotty at nasira yun ni Chance.

"Hay nako talaga si Chance! Nagsosolo na naman sa kwarto niya." Sabi ni Bea at ngumuso. "Ganun ba talaga yun, Fate?" Bumaling siya sakin.

"B-bakit sakin?"

"Eh di ba magbestfriends kayo nun?" Nakataas kilay na tanong ni Cyril.

Alam nilang magbestfriends kami? Ni Chance? Akala ko hindi nila alam dahil ayaw ipaalam ni Chance.

"Oo. Paano niyo nalaman?" Tanong ko.

"Barkada kami ni Chance. Atsaka, lagi ka niyang kinukuwento samin." Sabi ni Tyler.

"Talaga?" Mangha kong tanong.

Tumango si Bea. "Oo. I remember one time, kinuwento niya noong mga bata pa lang kayo, tapos sa bahay ka nila natulog... Umihi ka daw sa kama nun dahil sa pananakot sayo ni Chance."

Narinig ko ang tawanan ni Bea, Cyril, Tyler at Bonnie. Oo si Bonnie ay nakikitawa sa sinabi ni Bea.

Halos mamula ang mukha ko sa kahihiyan at galit. Lintik ka talaga Chance! Sabi ko secret lang natin yun. Grrr.

"Tapos sinabi niya rin samin na lagi raw sumasakit ang timpla ng tiyan mo kapag nakakaamoy ka ng... Ano nga ulit yun?" Baling ni Bea kay Cyril at Tyler.

Lintik na talaga si Chance kapag sinabi niya kung ano yun!

"Kape?" Si Cyril.

"Oo. Tama! Kape nga!" Sabi ni Bea at bumaling ulit sakin. "Totoo ba yun?"

Napayuko ako. Shit ka Chance! Patay ka sakin. Narinig ko na naman ang tawanan nila. Jusjo! Buti na lang talaga at wala dito ang mga lalaki! Jusme! Nakakahiya!

Isip, Fate. Ano ba yung mga secret niyo ni Chance?

Isip...

Isip...

Isip..

AHA!

"Sinabi rin ba ni Chance sa inyo yung magazine na nakita ko sa ilalim ng kama niya nun?" Tanong ko. Umiling naman sila. Pati si Bonnie ay nakikinig.

LINTIK LANG ANG WALANG GANTI, CHANCE! PATAY KA NA NGAYON!

"Ano?"

"Dali sabihin mo na!"

"Oo nga."

"Pabitin effect pa eh!"

LAGOT KA NA TALAGA, CHANCE! SORRY KUNG MALAMAN NILA ANG GINAWA MO NUNG GRADE SIX PA LANG TAYO! BWAHAHAHAHA!

"Grade six kami nun, inimbitahan niya akong maglaro ng video games sa bahay nila, pumayag ako... Nahulog yung mga CD ng video games sa ilalim ng kama niya kaya kailangan kong pulutin yung mga yun, tapos..." Pagpuputol ko, natatawa na kasi talaga ako sa tuwing maaalala ko yun eh.

"Ano na?" Pagmamadali sakin ni Cyril.

"Imbes na CD ang mapulot ko, isang magazine... Magazine ng FHM."

Hindi ko na napigilan at tumawa na ako. Narinig ko rin namang humalakhak na sila Bonnie, Cyril, Bea at Tyler sa tawa.

"Pagtapos nun, Fate? Nakita niya bang hawak mo?" Tanong ni Tyler.

"Oo eh! Naabutan niyang hawak ko." Sabi ko.

"Oh? Tapos?" Si Bonnie.

"Ayun! Inagaw niya sakin tapos sabi niya bakit ko daw hawak yun. Yun ata yung unang beses na nakita ko siyang nagblush. Hahaha!" Tawa ko. "Tapos sabi niya huwag kong sabihin kahit kanino lalo na sa mommy niya dahil papagalitan siya."

"Hahaha! Hay nako, Chance! May tinatagong kalokohan." Sabi ni Bea.

"Boys will always be boys." Sabi ni Tyler.

"True." Pagsang-ayon ni Cyril.

Kinuwento ko rin sa kanila na ang tawag ni Tita Gwen kay Chance ay 'Bebe Chance'. Naputol lang ang pag-uusap namin nung nakita namin si Chance na nag-uunat. Kakagising niya lang yata.

Dumerecho siya sa table namin at kumuha ng isang basong tubig. Tinungga niya iyon. "May gamot ba kayo sa sakit ng ulo?" Tanong niya habang hinihimas ang ulo.

Bea flashed an evil smirk on us.

"Bakit, bebe Chance?" Nakakunot ang noo ni Chance nung tumingin kay Bea. "Masakit ba ang ulo mo, bebe Chance?" Halata mo kay Bea na nagpipigil ng tawa.

Nakita kong namula si Chance. Alam niya na alam na nila Bea ang tawag sa kanya ni Tita Gwen at isang tao lang ang makakapagsabi sa kanila nito.

"Oh baka naman gusto mo ng magazine?" Untag ni Tyler.

"May nakita akong FHM Magazine sa bag na dala ni Nelson, gusto mo kunin ko?" Untag naman ni Cyril. Nagpipigil na rin ng tawa si Tyler at Cyril.

"Oh gusto mo yung kay Felix? Mga lima yung nakita ko, gusto mo ba?" Si Bonnie.

Halos lahat kaming nasa table ay nagpipigil na ng tawa.

Hindi nagsalita si Chance. Naalala ko naman na masakit ang ulo niya at mayroon akong gamot sa bag ko. Tumayo ako.

"Saan ka pupunta, Fate?" Tanong ni Bea.

"Kukuhanin ko yung magazine para kay Chance." Biro ko.

Hindi na napigilan nila Bonnie kaya sumabog na sila. Grabe ang halakhak nitong mga ito!

"Kukuha ako ng gamot para kay Chance." Natatawa ko na ring sabi. Binalingan ko ng tingin si Chance at nakita ko ang mga titig niya sakin na umuusok at tago sa buto ko.

Hindi ko kinaya ang reaksyon niya kaya umalis na ako.

Kahit nakatalikod na ako sa kanya, ramdam ko pa rin ang mga titig niya.

Lagot ka na, Fate!

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon