Chapter 14: Virginity! Its Over!

1.1K 29 1
                                    

"Fate."

Isang linggo na ang nakalipas simula nung nag-outing kami. Summer vacation na at wala naman akong ginagawa masyado. Hindi naman ako nagtatake ng exams sa ibang university dahil may scholarship na ako sa Partridge.

"Fate."

Si Chance naman ay doon na din sa Partridge magkacollege. Balita ko ay nagbakasyon si Laura sa States at doon na mag-aaral ng college kaya nga medyo depress si Chance lately kasi miss na niya si Laura.

Si Peter naman ay dalawang linggo sa probinsya ng Carwaig. Doon siya nagbakasyon.

"Aray!" Daing ko.

Tumigil ako sa pagtulak ng push cart at lumingon para tingnan kung sino ang bumato sakin.

Ang sakit!

"Bakit ka namamato?" Tanong ko habang hinahaplos ang likod ng ulo ko.

Alam niyo ba kung ano ang binato ni mokong?

Isang bote ng SHAMPOO!

Oh di ba, masakit?

"Eh kasi kanina pa kita tinatawag tapos hindi mo naman ako pinapansin." Sabi ni Chance.

Kasama ko siya ngayon dahil nagpasama siya.

Inutusan kasi siya ni Tita Gwen na siya muna ang mamili ng grocery nila.

"Sorry." Sabi ko. Lumapit siya sakin at nilagay sa push cart ang isang balot ng tissue paper.

"Sorry din." Sabi niya. "Masakit ba?" Tanong niya.

"Hindi. Ayus na." Sabi ko naman.

Ilan minuto pa ang lumipas bago niya matapos ang listahan at binayaran ang lahat ng pinamili namin.

"Iwan muna natin ito sa package counter tapos gala tayo. Maaga pa naman eh." Sabi niya at tumingin pa sa

Tumango ako. "Sige."

At ayun, iniwan nga namin tapos agad kaming nagtungo sa McDo. Dun kami kumain ng lunch.

Grabe! Nabusog ako.

Masarap talaga ang pagkain lalo na kapag libre. Haha!

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Bili tayong CD tapos movie marathon tayo sa bahay." Aya niya.

"Sige." Sabi ko.

Yan naman talaga ang gawain namin ni Chance tuwing summer vacation. Kahit noon pa yan na ang mga ginagawa namin.

Magmomovie marathon sa bahay namin o di naman kaya ay bahay nila Chance.

Magbabike kami sa park hanggang sa abutin kami ng dapit-hapon.

At iba pa.

Nandito ako ngayon sa stall kung saan makikita ang mga movie CDs na tungkol sa love.

Kinuha ko yung My Bestfriend's Wedding.

Grabe! Ang ganda kaya nito. Magbestfriend sila tapos ikakasal yung bestfriend niyang lalaki tapos gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal.

Gawin ko kaya yun?

Haha!

"Huy!"

"Anak ng palaka ay tipaklong!" Sigaw ko. Ginugulat na naman ako nitong isang ito.

Humalakhak lang naman ang mokong.

"Yung totoo? Kailan pa naging anak ng palaka ang tipaklong?" Tanong ni Chance at humagalpak ulit sa tawa.

"It's just an expression." Sabi ko at bumalik ulit sa pagtingin ng mga movie CDs.

"Ano yan?" Tanong ni Chance at kinuha ng CD na hawak ko.

Oh shoot! Yung My Bestfriend's Wedding yun!

"Akin na yan!" Pag-agaw ko kasi tinaas niya yun pero matangkad siya masyado kumpara sakin kaya malabong maabot ko pa yun.

"My. Bestfriend's. Wedding?"

"Bakit?"

"Eto talaga ang panunuorin natin?" Tanong niya.

"Bakit ano bang nakuha mo?" Tanong ko sa kanya.

"Porn." Sabi niya.

Aba't bastos kaya sinapak ko na.

"Eto naman." Sabi niya at inakbayan ako. Kinurot niya din ang ilong ko. "Hindi ka mabiro, no?"

Medyo hapon na kaya napagpasyahan naming umuwi na.

Pagkauwi namin sa bahay nila Chance ay umuwi muna ako ng bahay para makapagpalit ng damit. Magmomovie marathon nga kasi kami ni Aneng di ba?

"Hi Tita Gwen." Bati ko kay Tita pagkadating ko ng bahay nila.

"Hi Ateng."

Ngumiti ako, "Si Chance po?" Tanong ko.

"Nasa taas, hija."

Tumango ako. "Sige po, akyat na po ako." Sabi ko at umakyat na.

Mabuti na nga at okay na si Tita Gwen eh. Pero minsan balita ko kay Chance na paminsan-minsan ay naririnig niya si Tita Gwen na umiiyak.

Kumatok ako sa pintuan ni Chance. Walang sumagot.

"Chance?" Tawag ko.

Pero wala na namang sumagot kaya pumasok na ako.

At

Pinagsisisihan ko ang pagpasok kong iyon.

"Fate!" Sigaw ni Chance sa pangalan ko.

"Sorry, Aneng." Sabi ko at lumabas ng kwarto niya. Sinarado ko ang pintuan.

Shit! My eyes' virginity! It's over!

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon