Chapter 50: Magiging Tayo

946 17 1
                                    

Dati, sa tuwing gigising ako ng umaga, lagi akong malungkot. Pero ngayon? Kulang na lang yata ay magpaparty ako sa buong subdivision namin dahil sa sobrang saya ko. Record breaking!

"Masaya ka ngayon, ah? May boyfriend ka na? Nakalimutan mo na ang pag-ibig mo kay Chance?" Tanong nitong baliw kong bestfriend.

Tumingin ako sa kanya. "That won't happen, Bonnie." Sabi ko.

"Anong 'That won't happen'? Ano dun sa mga tanong ko ang tinutukoy mo?" Utas niya.

"Na makakalimutan ko ang pag-ibig ko kay Chance." Sabi ko.

Sheeeet! Magwawala na ang mga paru-paro sa aking tiyan.

Hinatak niya ako sa braso kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Teka, teka, umamin ka nga! May nangyayari bang hindi ko alam dahil hindi mo sinasabi?"

Tumingin ako kay Bonnie. Naghihintay siya ng sagot galing sakin.

Bumuntong-hininga ako. "Sinabi sakin ni Chance na mahal niya din ako." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Bonnie at ang kanyang bibig ay perfect 'O'.

"K-kayo na?" Tanong niya.

Napaisip rin ako. Hindi ko rin alam kung kami na nga ni Chance. Hindi naman siya nagtanong, eh. Nagpahayag lang siya ng nararamdaman niya para sakin.

"H-hindi ko alam, basta, sinabi niya sakin na mahal niya ako."Sabi ko at pinagpatuloy ang paglalakad namin.

"Nako, Fate! Sinasabi ko na nga ba! Pumasok ka na naman sa isang bagay na magdadala lang ng sakit sayo." Sabi ni Bonnie.

Napasulyap ako sa kanya habang naglalakad. "Huh?"

Kita ko sa gilid ng mga mata ko na umiling siya. "Sinasabi ko talaga sayo, Fate. Maglagay ka ng barikada kapag kayo na ni Chance." Sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi ni Bonnie. "At bakit, aber?"

"Baka kasi may bumalik... At sa oras na may bumalik tapos walang barikada si Chance, lagot ka!" Sabi ni Bonnie at nauna sa paglalakad dahil napatigil ako.

Wala akong ibang inisip simula nung mga sumunod na subject ko kung hindi ang sinabi ni Bonnie.

"Lalim ng iniisip mo, ah? Kasama ba ako diyan?" Panunuya sakin ni Peter.

Ngayon lang ulit kami nagkasama dahil madalas hindi sumasang-ayon sa schedule ko ang schedule niya. Si Bonnie naman ngayon ang hindi sumang-ayon sa schedule ko.

Ngumiti ako sa kanya at sinimulan ko na lang ang pagkain ko kahit na medyo wala akong gana.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang magkaroon ako ng lakas ng loob para magtanong kay Peter...

"Pete?" Tawag ko sa palayaw niya. Umangat ang ulo niya. "Kapag ba umamin sayo ang isang tao ng nararamdaman niya, tapos parehas kayo ng nararamdaman, kayo na ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Peter sakin. Ilang sandali rin ay napalitan iyon ng isang ngisi.

"Mmm. Para sakin, huh? Hindi naman porke't nagkaaminan kayo ay kayo na... Syempre mas maganda kung sinagot mo siya dahil nagtanong siya, hindi ba?"

Ewan ko pero may point si Peter. Mas maganda kung nagtanong si Chance sakin ng 'Will you be my girlfriend?' at sinagot ko siya ng 'oo' kaysa sa nagkaaminan lang kami na mahal namin ang isa't isa.

Last subject ko na ngayong araw. Halos wala ako sa discussion namin dahil okyupado na naman ang isip ko dahil kay Chance.

"Fate," Tawag sakin ni Ynna, kaklase ko sa last subject ko. Nilingon ko siya dahil sa nakaupo pa rin ako sa upuan ko at inaayos na naman ang magulo kong bag. Lagi na lang kasi itong magulo.

"Bakit?"

"May naghahanap sayo." Sabi niya at nginuso ang pintuan sa likuran niya.

Tapos na rin naman ang klase. Naiwan lang si Ynna at ang iba kong kaklase dahil sa may inaasikaso sila at ako naman ay may inaayos ang bag ko.

Tumayo ako at sinukbit ang bag ko. "Sino daw?" Tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya.

Dahil sa sobrang pagkacurious ko kung sino ang naghahanap sakin ay agad akong lumabas ng classroom.

Nakita ko agad si Chance na may nakapamulsa habang nakasandal sa pader.

Lumapit ako sa kanya habang tumitingin-tingin sa palibot namin. Pinagtitinginan kasi siya ng mga estudyante sa building. Dahil ba sa hindi siya dito sa building o dahil sa taglay niyang gwapo na nakakaagaw ng atensyon ng iba?

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Naalala ko na naman ang sinabi sakin ni Bonnie at Peter.

"Sinusundo ka. May iba pa bang pwedeng gawin dito bukod dun?" Tanong niya habang nakangisi.

Ang ungas na ito! Pinapakilig na naman ako ng sobra!

"Hindi naman ako nagpapasundo, Chance." Utas ko.

"Hindi ko naman kailangan ng permiso mo bago ka sunduin..."

Swear. Pati ang mga tuhod ko ay kinikilig. Ultimo, mga kuko ko sa kamay at paa ay naghahyperventilate dahil sa kilig na binibigay ni Chance ngayon.

"Suotin mo yan mamaya. Susunduin kita." Sabi niya at inabot sakin ang isang box pagkababa namin ng kotse niya.

"Ano ito?"

"Basta. Suotin mo mamaya." Sabi niya at pinakain sakin ang usok ng sasakyan niya.

Pumasok ako sa gate namin at dun nagtatalon. Sumasayaw-sayaw pa ako ng bigla akong sitahin ni mama. Para daw akong baliw.

Agad akong umakyat sa kwarto ko para maligo at maisuot na ang pinapasuot sakin ni Chance.

Isang flowy tube dress na white. Bagay ito sakin.

Tumingin ako sa salamin para tingnan kung may kulang pa. Light make-up, maayos na buhok, magandang dress at sapatos, check na check. Ready na ako para sa date namin ni Chance.

Well, hindi niya naman sinabi na date. Nag-assume lang talaga ako at napagkasunduan namin ng sistema ko na date ang itatawag ko sa pag-alis namin.

Nakarinig ako ng busina kaya agad akong bumaba ng kwarto ko.

Nagpaalam ako kina mama at papa. Nasabihan pa nga ako na may boyfriend na daw ako.

Paglabas ko ng gate namin ay bumalandra sakin ang isang lalaking nakatux. Isang tux na hindi naman pormal na pormal to the point na para siyang aattend ng debut. Casual tux, kumbaga.

Inangat niya ang tingin sakin at ngumiti. Lumapit ako s akanya at nilagay sa tenga ko ang hibla ng mga buhok na sumasapo sa buhok ko dahil sa malakas na hangin.

"You look so beautiful tonight." Sabi niya.

Napangiti ako.

Buong byahe ay tahimik kami. Nangangapa pa kami sa mga sasabihin namin sa isa't isa.

"Uh, pwede bang malaman kung saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Sumulyap siya sakin at ngumiti.

"Sa lugar kung saan magiging tayo." Sabi niya at dahil dun ay napanganga na naman ako ng ungas.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon