Chapter 3: Ingat ka

1K 40 5
                                    

Sabado ngayon kaya walang pasok. Bati na ba kami ni Chance? Hindi pa!

Gusto ko sanang makipagbati pero kasi natatakot akong mareject. Tingnan niyo nga! Makikipagbati lang ako pero natatakot na akong mareject paano pa kaya kung sasabihin ko na ang nararamdaman ko? Eh di halos mamatay na ako.

Wala akong magawa sa bahay dahil wala naman si mama at papa kaya napagpasyahan kong maglakad. At dahil na rin hindi ganun kalayo ang bahay nila Chance sa bahay namin ay nadaanan ko ito.

May narinig akong kumalampag sa gate nila kaya agad akong napalingon. Sakto kasi ang pagkalampag nito nung nilagpasan ko.

Lumabas ng gate si Tito Hans na may dalang mga maleta at hinahabol ni Tita Gwen.

"Hans, ano ba? Nakakahiya. Dun nga tayo sa loob mag-usap." Bulong ni Tita Gwen pero rinig ko iyon.

"Ano pa ba ang dapat pag-usapan, Gwen?" Tanong ni Tito Hans habang nilalagay ang mga maleta sa compartment ng sasakyan niya.

Binuksan ni Tito Hans ang pintuan ng driver's seat. "Wala ng dapat pag-usapan, Gwen." Sabi ni Tito Hans at sumakay na sa kotse.

Umandar ang kotse kasabay ng pagluhod ni Tita Gwen at ng kanyang paghagulgol. Nilibot ko ang tingin at nakita ang mga chismoso at chismosang mga kapit bahay kaya agad naman akong pumunta kay Tita Gwen at inalalayan siyang makatayo.

"Tita Gwen, tama na po." Sabi ko habang hinahaplos ng dahan-dahan ang kanyang likod at inaalalayan siyang makatayo.

"Ma!"

Sakto naman ang pagdating ni Chance. Kaya napalingon ako at nakita siyang naka-akbay kay Laura. May kung ano na namang kumirot sa puso ko nung nakita ko iyon.

Tumakbo agad sila ni Laura at tinulungan akong itayo si Tita Gwen. Nahawakan ko ang kamay ni Chance kaya nagkatitigan kami ni Chance pero ako na ang umiwas dahil baka sukahan ko pa ng silver dust itong si Chance.

Pumasok si Laura at Chance sa bahay kasama si Tita Gwen. Ako naman ay naiwan para paalisin ang mga chismoso't chismosa.

"Oh?" Sabi ko at nilagay ang dalawang kamay sa beywang ko. "Anong hinihintay niyo? Pasko? Pagputi ng uwak? O baka naman hinihintay niyong magkaroon ng petsang 32 sa kalendaryo?" Mataray kong sabi.

Nagbulong-bulungan lang yung iba at umalis na din. Sige! Pagbulungan niyo ako, okay lang kasi maganda pa rin ako. Chos!

Pagkaalis ng mga chismoso't chismosa ay agad na akong pumasok sa loob ng bahay nila Chance. Nakita kong nakaupo si Chance at Laura sa sofa at pinpatahan si Tita Gwen.

Lumipas ang ilang sandali ay nakatulog na si Tita Gwen. Ako ang nagpapanig sa kanya sa kwarto niya. Pagkalabas ko ng kwarto ni Tita Gwen ay narinig kong nag-uusap si Chance at Laura. Nasa taas kasi ako habang sila ay nasa baba. Nakikinig ako sa usapan nila.

"Pasensyan ka na talaga. Kung kailan ipapakilala kita sa mga magulang ko eh nangyari pa ito." Sabi ni Chance. Nakita kong hinaplos ni Laura ang likod ni Chance. Nakadungaw din kasi ako eh.

"Okay lang yun. Kaya nga nauso ang salitang next time." Sabi ni Laura.

"Kaya mahal na mahal kita eh." Sabi ni Chance. Ngumiti lang si Laura habang si Chance ay unti-unti ng nilalapit ang mukha. Pumikit si Laura.

Nagmadali naman akong bumaba at, "Ehem." Its a fake cough.

Agad naman nilang naibaling ang tingin sakin. "U-uwi na ako. Sige. Bye." Sabi ko at umaktong lalabas na ng pintuan. Aaminin kong medyo binabagalan ko ang paglalakad ko dahil umaasa akong baka pigilan pa ako ni Chance sa pag-uwi o di naman kaya ay magboluntaryo siyang ihatid ako sa bahay. Yung ganun ba?

"Ateng." Tawag ni Chance na agad kong ikinatuwa. Ito na ata ang hinihintay ko. Okay! Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

Humarap ako sa kanila. "Bakit?" Tanong ko.

"Pakisara na lang nung gate namin. Ingat ka." May bahid ng pagkacold o pang-aasar ang tono ng boses ni Chance. Ngumiti ako at tumango. Umalis na ako sa bahay na yun ng luhaan.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon