Chapter 32: Kwarto Mo

911 27 1
                                    

Hindi talaga ako makapaniwalang kasama si Chance.

"Excuse me lang." Sabi niya. Maluwag naman sa may side ko at sa may side ni Scotyy pero ewan ko na lang kung bakit dun pa talaga sa gitna namin siya dumaan.

Pumunta siya dun sa grupo ng mga lalaki at babae.

Kumapit sa hoop ng braso ko si Bonnie. "Akala ko kaya hindi ka sumama gawa ng alam mong kasama si Chance." Bulong niya.

Hindi ko na lang punansin. Nagkunwari na lang akong walang narinig.

Nalaki yung barko. Halos kami nga lang yata ang mga nakasakay dito eh. Exclusive lang kasi ito sa mga estudyante ng Partridge na sumama. Eh kaunti lang kaming sumama kaya ayun.

Bukas pa daw ng umaga ang dating namin sa Isla Sabelino kaya mukhang mag-o-overnight pa kami dito sa barko.

Mabuti na lang at mayroong rooms ang barko kaya nagsipuntahan kami sa mga rooms namin. Katabi ko angbkwarti ni Bonnie habang katapat ko naman ang kwarto ni Scotty. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ang nasa kabilang side ko dahil pumasok na ako ng kwarto ko.

Ang laki ng kwarto, grabe! Tanaw mo ang dagat na nilalakbay ng barkong sinasakyan namin.

Wala naman akong ginagawa kaya naligo muna ako at nagpalit. Saktong tapos kong magbihis nung may kumatok sa pintuan ko.

"Fate! Halika na, kakain na daw." Sabi ni Bonnie. Sinarado ko ang pintuan ko. "Si Scotty?" Tanong ko.

"Nauna na. Sinabi ko kasi na ako na lang ang maghihintay sayo." Sabi niya.

Naglalakad kami nung bigla akong tanungin ni Bonnie. "Kayo ba ni Scotty?"

Agad akong napatingin sa kanya at umiling. "Bakit mo naman nasabi?"

"Wala lang. Eh kasi biruin mo, napapayag ka niyang sumama sa trip na ito." Sabi niya.

Nagkibit-balikat na lang ako. "Sure ka hindi kayo? Baka kasi nahihiya ka lang umamin sakin?"

Umiling ako. "Hindi talaga. Kung magiging kami man, ipapabalita ko agad sayo." Ngumiti kami aprehas at naglakad na papunta sa deck ng barko. Dun daw kami kakain ng lunch.

Nakita namin ni Bonnie si Scotty kasama yung tatlong lalaki at tatlong babae. Nasaan kaya si Chance? Nilibot ko ang tingin sa paligid. Wala akong Chance na nakita. Napansin siguro iyon ni Bonnie.

"Pwede ba, Fate, stop thinking about Chance and just enjoy this trip." Sabi ni Bonnie at umupo. Umup na din ako sa tabi niya. Ganun din naman si Scotty, sa tabi ko.

"Oh nasaan nga pala si Chance?" Tanong ni Scotty habang nilalagyan ako ng kanin sa plato. Nung una ay tumanggi akong gawin niya yun kaso makulit ang kumag na ito. Siniko ako ni Bonnie at ngumiti ng nakakaloko. Problema nun?

"Hay nako! Ewan ko nga ba dun, pinuntahan ko dun sa kwarto niya, wala namang sumasagot." Sabi ni Tyler.

Nagpakilala nga pala kami sa isa't isa. Yung tatlong lalaki kanina ay sina Damian, Felix at Nelson, mga barkada sila ni Chance at ngayon, barkada na rin ni Scotty.

Yung tatlong mga babae naman ay barkada rin ni Chance, si Tyler, Bea at Cyril. Halos ang kasama sa trip ay mga barkada ni Chance.

"Saan ba yung kwarto ni Chance?" Tanong ko. Siniko ulit ako ni Bonnie kaya napatingin ako. Hindi siya nagsalita. Inirapan niya lang ako.

"Katabi ng kwarto mo." Sabi ni Bea. Napatingin naman ako. Nakita ko siyang nakatingin na sa kinakain at kumakain.

"Huh? Eh kwarto ni Bonnie ang katabi ko?"

"Oo nga, yung dun sa kabilang side mo, kwarto ni Chance yun." Sabi naman ni Damian.

Sarap na sarap sila sa pagkain samantalang ako ay hindi makakain ng maayos. Si Chance? Si Chance ang nasa loob ng kwartong katabi ko?

Nung matapos kaming kumain ay nagkayayaan na magswimming. Mayroon rin kasing swimming pool sa barko.

At dahil hindi ko alam ang plano nila, ako lang tuloy yung hindi ready. Nakaswimming atture na kasi sila, maging si Bonnie at Scotty rin.

"Magpapalit lang ako." Sabi ko.

Sabi ni Bonnie at Scotty ay sasamahan na nila ako pero tinanggihan ko sila. Umalis na lang ako agad para hindi na nila ako kulitin.

Nung makarating ako sa corridor ng nga rooms. Naalala ko agad yung sinabi ni Bea.

Katabi ng kwarto mo... Kwarto mo... Mo... Mo...

Umeecho yan sa utak ko.

Nang makadaan ako sa kwarto ni Chance ay nanlamig ako. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

Pumasok na lang ako ng kwarto ko at nagpalit.

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon