Chapter 10: Sama Ako

1K 27 1
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Kakatapos lang ng graduation namin. And yes! Valedictorian ang lola ninyo! HAHA! Scholar ng Partridge toh! Woohoo! Haha!

At dahil nga kakatapos lang ng graduation namin ay napagpasyahan ng barkada ni Chance na mag-outing sa resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Laura. Pinilit ako ni Chance kaya nakatanggi pa ba ako? Syempre, hindi na.

"Ateng, andyan na sila Chance." Sabi ni mama mula sa labas ng kwarto ko. Kinuha ko ang backpack na dadalhin ko at ang salamin ko at lumabas na ng kwarto. Nagpaalam ako kina mama at papa.

Dumerecho na ako ng labas ng bahay at kinatok ang bintana ng van na sumundo sakin.

Bumukas iyon at nakita ko ang mukha ni Peter. "Hi!" Bati niya. Ngumiti lang ako.

Binuksan ko ang pintuan ng passenger's seat ng van pero nakalock pa din.

"Paki-buksan ng pintuan."

"Dito ka na lang sa front seat. Apat lang naman tayo nila Chance eh." Sabi niya.

Tumango na lang ako at sumakay na. Agad ko namang hinanap kung nasaan si Chance at nakita ko na. Pero shit ang sakit! Ang sakit kasi mahimbing silang natutulog ni Laura habang nakasandal sa isa't isa.

Ano? Buong biyahe silang ganyan?

Sumakay na ako dahil baka mahalata pa ni Peter ang pagseselos ko.

Buong biyahe sana ay tahimik lang kami habang ako naman ay pasulyap-sulyap sa dalawang nasa likuran namin ni Peter. Kaso bigla namang magsalita ang driver na si Peter.

"May mas sasakit pa diyan, tingnan mo."

Tumingin ako sa kanya. Yun bang tingin na alam niyang naguguluhan ako.

"May mas sasakit pa sa mga nakikita mo." Sabi niya.

Dun pa lang alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig. Alam ko namang alam na ni Peter ang pagtingin ko kay Chance eh. Magaling ata ito at may lagi pang manghuhula.

"Halata ba ako?" Tanong ko.

"Halata?" Sumulyap siya sakin at ibinalik din naman ang tingin sa daan. "Saan?" Dagdag niyang tanong.

"Alam mo na yun. Hindi ko na kailangan pahabain pa." Sabi ko.

"Ah," Sabi niya at humagikgik. "Nope. Alam mo bilib nga ako sayo eh. Magbestfriend kayo but still you manage to hide your feelings for the sake of your friendship." Dagdag niya.

"Pssh. I'm not the only one who've done that kind of sacrifice." Sabi ko. Tumingin naman akonkina Chance at Laura na mahimbing pa ring natutulog. "Atsaka, alam kong masaya na siya sa iba bakit ko pa ipipilit ang sarili ko."

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon