Chapter 43: Sorry

935 20 2
                                    

"Fate, okay ka lang ba?" Tanong ni Scotty nun makababa kami ng barko.

Tumango na lang ako. Tumunog naman ang cellphone niya kaya nag-excuse muna siya para sagutin ang tawag. Nakita ko naman sila Nelson, Damian, Felix, Bea, Cyril at Tyler na kausap si Chance. Siguro tungkol sa nangyari kanina. Tumingin sila sa gawi ko kaya napaiwas ako ng tingin. Mabuti na lang at kararating lang ni Bonnie sa tabi ko.

"Hoy! Anong nangyari sayo dun?" Sabi niya sabay nguso sa barko.

"Anong magagawa ko, eh, na-seasick ako." Sabi ko.

"Seasick? Psh. Lagot ka kay Chance." Sabi niya.

Lumapit si Scotty samin. "Bakit, Scotty?" Tanong ko nung mapansin kong nag-aalala ang mukha niya.

"Nagkaroon kasi ng problema sa studio. Kulang sila ng models kaya... Ako yung tinawagan nila." Sabi ni Scotty. "Hindi ako makatanggi dahil kailangan talaga nila." Dagdag pa niya.

"Ayos lang. Sasabay na lang ako kay Bonnie." Sabi ko. Siya kasi dapat ang maghahatid sakin pauwi.

"Nako, Fate, hindi pwede." Sabi ni Bonnie.

"Huh? Bakit?"

"Eh kasi, tumawag si Bennie, kapatid ko, dederecho daw kami ngayon sa Guada pagkasundo nila sakin dito."

"Ganun ba?" Sabi ko. "Magpapasundo na lang ako kay papa." Dagdag ko at kinuha ang cellphone ko sa bag para i-dial ang number ni papa.

Ilang beses kong tinawagan si papa bago niya ito sagutin. Hindi daw niya ako masusundo dahil nasa business trip sila ni mama. Bumagsak ang mga balikat ko. Paano na ngayon ito?

"Anong sabi, Fate?" Tanong ni Scotty.

"Nasa business trip daw sila. Hindi daw nila ako masusundo." Sabi ko.

"Paano ngayon yan?" Si Bonnie.

"Anong problema?" Napalingon kaming tatlo sa nagsalita.

Si Chance. "Anong problema?" Pag-uulit niya.

Napatingin ako kay Bonnie at Scotty. Nakataas ang kilay ni Scotty at nanlaki ang mata ni Bonnie.

"Ano naman sayo?" Matabang na sabi ni Scotty.

"Nagtatanong lang ako." Sabi ni Chance at bumaling ng tingin sakin. "Ano bang problema?"

"Eh... Kasi..." Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.

"Wala kasing maghahatid kay Fate pauwi gawa ng may photoshoot si Scotty. Alam mo na, model kasi eh. Hindi naman siya pwedeng sumabay sakin dahil susunduin ako at dederecho sa probinsya namin." Sabi ni Bonnie.

"Kung ganun, eh di sakin ka na lang sumabay, Fate."

"Huh?"

"Bakit siya sasabay sayo? Ipasusundo ko na lang si Fate sa driver namin." Untag ni Scotty.

"Sayo nga wala akong tiwala eh, sa driver mo pa kaya?"

"Ano ba talagang problema mo, huh?" Untag ni Scotty at lumapit kay Chance. Baka magkaroon ng gulobkaya inawat ko si Scotty.

"Magkalapit lang ang bahay namin ni Fate kaya mas mabuting sakin na siya sumabay." Untag ni Chance.

Nagkuyom ang panga ni Scotty. Tumingin ako kay Bonnie at ngumuso siya sa dalawa.

"Sasabay na lang ako kay Chance, Scotty." Sabi ko. Napatingin naman si Scotty sakin. "S-sigurado ka, Fate?"

Tumango ako. "Sigurado ako, Scotty." Sabi ko.

Bumuntong hininga si Scotty. Wala na rin naman kasing choice eh. Si Chance na lang talaga ang pag-asa ko para makauwi.

Nang dumating na ang mga sundo namin ay naghiwa-hiwalay na kami. Ginapangan ako ng kaba nung pumasok ako sa loob ng kotse ni Chance. Naalala ko yung pagsuka ko sa kanya.

Pinaandar niya ang sasakyan. "Chance," Tawag ko. Sumulyap naman siya sakin kaso saglit lang.

"Sorry nga pala dun sa nangyari kanina." Sabi ko.

"Okay lang. Alam ko namang hindi mo sinasadya eh." Sabi niya.

Dun na naputol ang pag-uusap namin. Hindi na ako nagsalita dahil hindi na rin siya nagsalita. Nangangapa ako sa utak ko nang mga bagay na pwede naming pag-usapan habang nasa byahe kaso wala akong makapa.

Nawala ako sa pag-iisip nung mapansin kung nasaan kami.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko nung pinatay niya ang makina. Tumingin siya sakin at unti-unting lumalapit. Naalala ko yung ginawa niyang pagkulong sakin dun sa corridor ng mga kwarto. Pinilig ko ang ulo ko at pumikit nang mariin. Nakarinig ako ng tunog na click. Minulat ko ang mata ko at nakita siya na nagpipigil ng tawa.

Tiningnan ko naman yung seatbelt ko and boom! TINANGGAL NIYA LANG PALA YUN!

"Bumaba ka na diyan." Sabi niya at bumaba ng kotse.

Napaface palm ako. Nakakahiya ka, Fate!

Bumaba naman ako tulad ng sinabi niya. Inikot ko ang tingin ko at nakita ang isang amusement park?

"Bakit tayo nandito?"

"Ang dami mo laging tanong. Halika na nga!" Sabi niya at hinatak ako papasok sa amusement park.

Bago kami pumasok ay tinatakan kami nung cashier sa may pulsuhan namin.

Nakita kong kumikislap ang mga mata nung babaeng cashier dahil kay Chance. Tinaasan ko siya ng kilay pero masyadong okyupado ang utak niya sa kagwapuhan ni Chance.

"Halika na!" Ako naman mismo ang humatak kay Chance. Nagpahatak naman siya eh!

Inuna namin ni Chance yung mga extreme rides. Halos masuka-suka kami nung nakakalima na kaming extreme rides. Nakakatuwa nga dahil binigay sakin ni Chance yung napalanuna namin sa isang booth sa amusement park kung saan tatamaan mo yung tatlong bote ng tatlong bola. Nakalimang ulit si Chance nun. At sa panglimang ulit niya nakuha ang prize na malaking teddy bear na kulay brown at sobrang cute.

"Nag-enjoy ka ba, Ateng?" Tanong niya nung pinaparada na ang sasakyan sa harap ng bahay namin.

Yakap ko yung teddy bear na napalanun niya. "Sobra." Sabi ko.

Nakangiti ako nung bumaba ako ng kotse niya. Bumaba siya at pumunta sakin.

"Fate," Tawag niya. Tumingin ako sa kanya at laking gulat ko nang biglang hawakan ni Chance ang beywang ko at hinigit palapit sa kanya. Naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.

Nanatiling nakabukas ang mga mata ko habang siya ay nakapikit. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobra! Para na naman akong hinahabol ng rapist sa sobrang bilis.

May nararamdaman ako sa halik ni Chance pero ayoko muna itong pangalanan. Ayoko kasi baka kapag ginawa ko yun, masaktan lang ako.

Bumitaw siya sa halik. Nanatili ang kamay niya sa beywang ko. Itinuon niya ang noo niya sa noo ko. Medyo nakatingala ako dahil sa sobrang tangkad ni Chance. Ramdam ko ang hininga niya.

Binitawa niya ang beywang ko. Tumingin siya ng derecho sa mga mata ko at binitawan ang salitang, 

"Sorry."

Fate & ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon