CHAPTER 21: Is it a sign?

579 9 0
                                    

(A.N: Thank you for adding my story to your reading list, kurzcana. *_*)

(---JENNY’S POV---)

Papunta na ako ng St. Louise Restaurant. Doon kami magkikita ni Lolo Al.

12:00 PM na. Late na ako. Ang kulit kasi ni Adrian. Gusto daw niya makilala si Lolo Al.

Sabi ko, sa susunod na lang na pagbalik niya dito. Gusto ko masolo si Lolo Al ngayon dahil 8 years kaming hindi nagkita. Ang dami kong ikwekwento sa kanya at isa na si Adrian doon.

Habang papasok na ako ng restaurant ay may nabangga akong isang matanda. Inaaalala ko kasi ang itsura ni Lolo Al. Baka mamaya magkamali ako at iba ang makausap ko.

                “Pasensya na ho. Hindi ko ho sinasadya.” Pinulot ko ang dyaryo na nahulog nang matanda.

                “Salamat, hija.” Hindi niya binitawan ang pagkakahawak sa kamay ko at hinawakan ang bracelet na bigay ni Lolo Al.

                “Bakit ho?” nag-angat ako ng tingin. Familiar yun itsura niya.

                “Ah, wala naman. Pamilyar kasi ang bracelet mo, hija. Ganyang-ganyan din kasi ang binigay ko sa apo ng kumpare ko.” Ganitong-ganito? Hindi kaya… siya si Lolo Al?

                “Lolo Al?”  nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

                “Jenny? Jenny Choi?”

                “Oho. Ako nga po. Lolo Al!” Niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko talaga siya. 8 years ba naman kami hindi nagkita.

                “Hindi kita nakilala. Ang laking bata mo na at ang ganda-ganda mo pa. Nagmana ka talaga sa Lolo Ed mo.”

                “Salamat po. Tara na po sa loob.”

Ang dami namin napagkwentuhan ni Lolo Al. Kung ano ang ginagawa niya sa ibang bansa, sino ang kasama niya doon. Ang isa pa niyang anak ang namamahala nang mga negosyo nila doon. Tinutulungan din niya ito doon. Samantalang ang isa pa niyang anak namamahala naman ng mga negosyo nila dito sa Pilipinas. Nagkwento din naman ako tungkol sa pangyayari sa buhay ko at sa kung anu-ano pang bagay.

                “May boyfriend ka na ba, hija?” muntik na ako mabulunan sa tinanong ni Lolo Al. Kanina lang, pag-aaral ang pinag-uusapan namin tapos napunta sa boyfriend.

                “O-opo.”

                “Sayang naman. Gusto ko po naman ipakilala sayo ang apo ko. Sa tingin ko pa naman, bagay kayong dalawa.”

                “Lolo Al naman.”

                “Hahahahaha! Balitaan mo ako kapag nag-break na kayo ng boyfriend mo at ipapakilala kita sa apo ko.”

                “Lolo Al…” tumigil sa pagtawa si Lolo Al nang mapansin niya na biglang lumungkot ang itsura ko.

                “May problema ka ba? Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?”

                “Lolo Al, paano po kung yun mahal nyo na babae biglang nagpakasal sa iba? Ano pa mararamdaman nyo?” hindi ko napigilan itanong sa kanya iyon. Gusto ko malaman kung ano ang opinyon ni Lolo Al pagdating sa mga ganitong bagay.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon