CHAPTER 14.2: Revelation

707 13 2
                                    

(A.N: Dedicated to MarlouEspiritu. Thank you po sa pag-add ng story ko sa reading list nyo. ^_^)

(---JEREMY’S POV---)

Puting kisame.

Yan ang una kong nakita ng i-dilat ko ang mga mata ko. Alam ko kung nasaan ako. Nasa ospital ako ngayon. Bakit? Sabihin na natin na may sakit ako. Malubhang sakit. Ano? Lung cancer – Stage 3.

Tumingin ako sa paligid. Nakita ko si mama na mahimbing na natutulog sa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Ilang oras na ba akong nandito? Pinilit kong bumangon. Ok na ang pakiramdam ko. Kailangan ko na lumabas ng ospital. Ang dami ko pang dapat gawin.

Nagising si Mama dahil sa pagbangon ko.

                “Je-jeremy, anak? How are you feeling?” tanong ni mama sa akin at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

                “I’m okay, Ma. I want to go home.” Sagot ko. Oo, gusto ko na umuwi. Lalo ata akong magkakasakit kapag nagtagal pa ako dito. Kahit sa US, ayoko mag-stay ng matagal sa ospital.

                “Ok. Wait here. I’ll talk to the doctor and settle our bill.”

                “Ok. Thanks, Ma.” Niyakap ko siya bago siya umalis.

Shin Residence

                “Welcome back po, Sir, Mam.” Bati ni Manang Ruth. Ang katiwala namin sa bahay.

                “Thank you, manang! Ano po bang pagkain? Nagugutom na po ako kasi ako eh.”

                “Niluto ko ang paborito mong beef steak. Hala! Lakad na sa kusina.” Sagot ni Manang Ruth.

                “Tara, Ma. Kain muna tayo.” Agad naman sumunod si Mama sa akin. Kaming dalawa lang ni Mama ang nakatira dito sa bahay. Ang Papa ko? Patay na. Sa kanya ko namana ang sakit na meron ako ngayon.

                “Jeremy, ayaw mo ba talaga ipagpatuloy ang chemotherapy mo?” tanong ni Mama habang kumakain kami.

                “Ma, ayoko po. Ilang ulit ko na din po sinabi sa inyo na masasayang lang ang pera natin sa chemo na yan. Wala naman kasiguraduhan na mabubuhay pa din ako. Why waste money kung sa huli, dun din pala ang kahahantungan ko?”

                “Hai. Ano bang gagawin ko sayo, anak. Ayaw mo man lang bang mabuhay para mahanap ang taong mamahalin mo at mamahalin ka din?”

                “Ma, ilang ulit ko na din po sinabi sa inyo na si Jen lang po ang mamahalin ko at wala nang iba.”

                “Anak, ilang ulit ko na din sinabi sayo na hindi ka mahal ni Jen.”

                “Ma, kahit hindi niya ako mahalin, basta nandyan siya sa tabi ko, masaya na ako.” 

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 (---JENNY’S POV---)

Kasama ko si Adrian ngayon dito sa St. Louise Restaurant. Finally, ma-memeet na niya si Jeremy. Sana after ng dinner na to, maging ok na sila.

                “Jeremy!” tinawag ko siya para makuha ang atensyon niya. Kanina pa pala siya nakatayo sa may pinto. Ang dami kasi namin pinag-uusapan ni  Adrian kaya hindi namin napansin na dumating na pala siya.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon