CHAPTER 8: Soulmates?

788 18 6
                                    

(---JIRO’S POV---)

                “Hui, Adrian! Gising!” dito natulog si Adrian kagabi sa condo ko. Ayaw daw muna nya umuwi sa bahay nila. Na-ikwento na rin niya sa akin ang nangyari sa meet-up nila ni Jen. Sa totoo lang, dapat hindi pinalagpas ni Adrian ang pagkakataon na makilala si Jen. Bagay nga sila kung tutuusin. Hehe.

                “Ano ba! Natutulog yun tao eh.” Sigaw ni Adrian sa akin na sa sofa ko pinatulog kagabi. Hahaha!

                “Tss. Ikaw na nga nakitulog dito, ikaw pa may ganang magalit. Bumangon ka na! Nagluto na ako ng makakain natin.” Talaga tong si Adrian.

                “Talaga?!” kita mo to. Agad-agad bumangon ng marinig na may pagkain na.

Habang kumakain kami, kinausap ko siya tungkol kay Jenny.

                “Adrian, anong tingin mo kay Jen?”

                “Tingin? Amazona. Hahahaha!” tawa siya ng tawa sa sinagot niya sa akin. Ang weird din nito minsan.

                “Tanga! Hindi yun ang ibig kong sabihin. Hindi ka ba nagagandahan sa kanya o naseseksihan?”

                “Bakit ba bigla mo akong tinatanong ng ganya ha?” halatang iniiwasan niya ang tanong ko. Hmmm. Siguro, nagagandahan at naseseksihan siya kay Jen dahil kung hindi naman sasagot siya sa tanong ko. Nahihiya lang siguro siya. May hiya din pala tong pinsan ko. Hahaha!

                “O sige na. Hindi na kita tatanungin. Alam ko na din naman ang sagot mo.”

                “Ano? Pano mo nalaman, e hindi ko naman sinagot ang tanong mo.” Ang tanga talaga nitong pinsan ko. Sarap batukan.

                “Ang tanga mo talaga kahit kailan. Ano ka ba. Mag-pinsan tayo, Adrian. Kilalang-kilala kita. Kung hindi ka naman nagagandahan o naseseksihan kay Jen, hindi mo iiwasan ang tanong ko. E, sa ginawa mo kanina na pag-iiwas, sigurado akong yun ang tingin mo kay Jen. Maganda at sexy. Tama ba?”

                “Pfff. Oo na.” Kita nyo? Umamin din.

                “E, kung ligawan mo kaya siya?”

                “Ji-jiro. T-t-tubig.” Bigla siyang nabulunan at agad ko siyang inabutan ng tubig. Tumayo din ako at hinampas-hampas ang likod niya.

                “Sa susunod nga, wag mo na akong tatanungin ng mga ganyang bagay. Alam mo na naman ang i-sasagot ko sa mga tanong mo eh.” Inis na sagot niya sa akin.

                “Oo, alam ko ang i-sasagot mo. Pero hindi mo ba naisip na baka soulmates kayo kaya naging ka-textmate mo siya at isipin mo, kaklase pa natin siya. Wala naman mawawala sayo kung liligawan mo si Jen.” Pangungumbinsi ko sa kanya.

                “Teka nga. E, diba ikaw tong nagpapatulong sa akin dyan sa kaibigan niyang si Yumi? Ayoko nga. Baka sabihin niya, ginagamit ko lang siya. Hindi ako manggagamit ng tao no.” Aba. May sense din ang sinagot niya sa akin.

                “Speaking of, tinext mo na ba si Jen? May nakuha ka na bang information na makakatulong sa panliligaw ko sa kanya?”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon