CHAPTER 15.1: Stop loving me

699 10 3
                                    

(---JIRO’S POV---)

                  “Pinsan, gwapo ba yun si Jeremy? Nabanggit kasi ni Jen nun isang gabi na nagtalo daw kayo dahil sa kanya.” tanong ko kay Adrian habang kausap ko siya sa telepono. May pagka-warfreak talaga tong si Adrian. Lalo na pagdating kay Jen.

                 “Panget. Walang-wala sinabi sayo.” totoo kaya to o kabaliktaran?

                 “E kung ganun, bakit mo inaaway yun tao? Wala naman siyang ginagawa sayo.”

                “Tss. Mahal din niya si Jen.”

                 “Woah! Talaga?!”

                 “Oo. Ang sabi pa nya, mas nauna daw siya sa akin na mahalin si Jen. Anong pake ko? Ako naman ang mahal ni Jen.” Nauna? Ibig sabihin, matagal nang kilala ni Jen si Jeremy.

                 “Tama, tama. Ikaw nga ang mahal ni Jen. Kaya wag kang gagawa ng kalokohan kundi, aagawin talaga niya sayo si Jen.”

                 “Kung maaagaw niya. Hindi ko hahayaang mangyari yun.” Ganyan nga, pinsan! Itaas mo ang bandera ng mga Lee.

                 “Napansin ko nga, malungkot si Jen nun umuwi siya galing sa dinner nyo eh. Ineexpect niya siguro na magkakasundo kayo ng karibal mo.”

                “Talaga?”

                 “Ano ka ba naman, pinsan. Dapat inoobserbahan mo din si Jen. Kung masaya ba siya o malungkot.”

                 *TOOT, TOOT, TOOT*

                 “Leche! Binabaan ako ng telepono. Bahala na nga siya sa buhay niya.”

 Monday pala ngayon. Ngayon na ang start ng OJT ko sa kompanya ng kapatid ko. Agad akong naligo at nagbihis dahil mala-late na pala ako. Lagot ako panigurado sa kapatid ko. First day pa lang, late na kaagad ako. Nagmamadali akong lumabas ng building. Motor na lang ang ginamit ko para mas mabilis akong makarating sa kompanya.

 Pagdating ko sa kompanya, halos ng madaanan ko, hindi mapigilang mapatingin sa akin. Well, I admit, I looked good in a suit. Hehe. Dumiretso ako sa receiptionist.

                 “Good morning. Nandyan na ba si Jane Lee?”

                “May I know your name, Sir?”

                 “Jiro Lee. Kapatid ako ni Jane Lee.” First time ko pumunta sa kompanya ng kapatid ko. Ayaw niya kasing tumatambay ako dito. Kaya madalas, nasa condo lang ako at nagluluto ng kung anu-ano.

                 “Ah, kayo po pala si Mr. Jiro Lee. Pinapasabi po pala ni Mam Jane na dumiretso po muna daw kayo sa office nya. Nasa 7th floor po ang office ni Mam Jane.”

                 “Ok. Thank you.” Agad naman akong pumunta sa 7th floor. Maliit lang ang building ni Ate Jane compared sa building nila Dad. Sariling kompanya naman ito ni Ate kaya hindi siya pinapakialaman ni Dad.

                “Good morning. Andyan ba si Ate Jane?” tanong ko sa sekretarya niya. Tumingin lang sya sa akin. Matagal. Titig na nga ang tawag dun eh.

                 “Hello, miss!” kinaway-kaway ko ang kamay ko sa mukha niya. Natulala bigla ng makita ako.

                “Ah, uhm, sandali lang po. Ano po pangalan niyo, Sir?” inangat niya ang telepono niya at tinawagan ang telepono na nakakonekta sa office ni Ate.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon