CHAPTER 11.1: The Beach

775 15 8
                                    

 (A.N: Dedicated to kittypuppy15. Thank you for adding my story to your reading list. ^_^)

(---JENNY’S POV---)

                “Almina Bay Resort. Wow!” Sobrang ganda dito! Entrance pa lang, bongga na. Pano pa kaya ang mga rooms at amenities nila dito? Define LUXURY RESORT. :D

Pagpasok namin sa resort, may mga sumalubong sa amin na mga staffs at binigyan kami ng smoothies.

                “Taray! May libreng smoothies pa. Ang sarap!” dahil masyado akong occupied sa pag-inom ng smoothies, si Adrian na ang lumapit sa front desk ng hotel para kunin ang keycard namin.

                “Good morning, Sir. You and Ms. Choi will be staying in room no. 31. Here’s your keycard, Sir. Enjoy your stay!” muntik ko na ma-ibuga ang iniinom ko. Sa iisang kwarto lang kami matutulog ni Adrian?! Kung may pera lang ako, kukuha pa ako ng isang room. Kaso, wala naman akong pera at bayad na lahat ng para sa trip na to.

                “Tara na. Para makapag-pahinga tayo sa byahe.” Yaya ni Adrian sa akin.

                “Ok.” Sumunod na lang ako sa kanya sa room namin. Habang nasa elevator, hindi kami nagkikibuan ni Adrian. Hanggang ngayon, naiilang pa rin ako sa kanya lalo na kapag naaalala ko ang mga nangyari sa event. =_=

                “Wow! Ang ganda!” yan kaagad ang nasambit ko pagkapasok namin ng room. Kumpleto sa gamit ang room. May dining table, may sofa, may tv, may personal refrigerator, may mini kitchen at higit sa lahat, may overlooking view ng nature! Napatingin ako sa kama, iisa lang pero king sized bed naman. Kasya naman kami ni Adrian pero ayoko matulog katabi siya. Baka gapangin niya ako. >.<

                “Huwag ka mag-alala, Jen. Hindi kita gagapangin. Baka ikaw pa nga ang gumapang sa HOT body ko.” Bulong sa akin ni Adrian. Hindi ko napansin na ang lapit na pala niya sa akin. Kinilabutan ako ng binulungan niya ako. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko.

                “H-hoy! Excuse me! Kahit gaano pa kaganda yang katawan mo, hinding-hindi kita gagapangin no. Dyan ka na nga.” Lumabas ako ng kwarto at naglakad-lakad sa resort para lumanghap ng sariwang hangin. Buti na lang at nabitbit ko palabas ang digital camera ni Yumi. Nagsimula na akong kumuha ng mga pictures ng buhangin, ng dagat, ng resort at ng kung anu-ano pa na makita ko. Habang zinozoom ko ang camera, may isang pamilyar na mukha akong nakita sa lente ng camera.

                “Jeremy?” bulong ko sa sarili ko. Nakabalik na siya ng pilipinas? Kelan pa? Sunud-sunod na bumuhos ang mga tanong sa utak ko. Pero, binalewala ko lang ang nakita ko. Hindi ko pa naman sigurado kung si Jeremy yun o kamukha lang niya.

                “Huli ka!” sabay yakap sa akin ni Adrian mula sa likod at inihilig nya ang kanyang ulo sa balikat ko. Gusto kong kumawala sa pagkakayakap niya pero mas malakas siya kesa sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. Tutal, isip bata naman to kahit kailan.

                “Jen, kain na tayo. Lunch time na. Hindi ka pa nagugutom?” tanong sa akin ni Adrian.

                “A-ah. Sige, kain na tayo. Kanina pa nga kumakalam ang tyan ko eh.” Tinanggal ni Adrian ang mga braso niya na yumakap sa akin kanina at hinawakan ako sa kamay at sabay kaming pumasok sa hotel. Parang panaginip lahat ng nangyayari ngayon sa amin ni Adrian. Kung panaginip man to, ayaw ko na magising pa.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon