CHAPTER 5: Confession and Meet-up

855 12 3
                                    

 (A.N: Dedicated to JellicaCampo. Thank you for adding my story to your reading list. :3)

Kararating lang nila Jenny at Yumi sa condo. Ang daming nangyari sa kanila ngayong araw na ito. Pano pa kaya sa mga susunod na araw? :))

                “Oi, Yumi! Umamin ka nga. Crush mo ba si Jiro, ha?” singhal ni Jenny kay Yumi na nanonood na ng tv sa sala.

                “A-anong pinagsasasabi mo dyan?” sagot ni Yumi kay Jenny na nasa kusina para magluto ng hapunan nila.

                “Nakita kita kaninang umaga, nakatitig ka kay Jiro.”

                “A-ah. Yun ba. Wala yun.”

                “Sigurado ka? E nakita din kaya kita kanina nun pabalik na ako sa classroom na kausap si Jiro sa cottage tapos sabay pa kayo dumating sa classroom.”

                “Haist. Ano bang gusto mong malaman ha? Ang dami mong tanong.” Naiiritang sagot ni Yumi.

                “Sabihin mo na kasi ang totoo. Crush mo si Jiro no?” tumabi si Jenny kay Yumi sa sofa at kinukurot-kurot siya sa tagiliran.

                “Ano ba. Masakit ka mangurot. “

 “H-hindi ko alam. Basta, kaninang umaga, bigla na lang napatitig ako sa kanya at bumilis ang heartbeat ko. Nun sa cottage naman, siya naman ang unang lumapit. Nun hinatak ka ni Adrian, dumiretso ako sa cottage. Hindi ko naman alam na sinundan pala niya ako.” Dugtong ni Yumi.

                “Ayiieee. Ibig sabihin nun, gusto mo siya at may gusto din siya sayo. Hindi naman yun lalapit kung wala din siyang gusto sayo. Bongga yan, bff. Magkaka-lovelife ka na!” kilig na kilig si Jenny na bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto.

                “A-ano ka ba. Kakakilala pa lang namin. Pwede ba yun?”

                “Tingnan mo nga yang sarili mo sa salamin. Nangangamatis ka na sa sobrang kilig dyan.” Pang-aasar ni Jenny. Tiningnan naman ni Yumi ang sarili niya sa salamin at tama nga ito. Nag-blublush siya. *.*

                “Teka nga. Bakit ba ako ang nasa hot seat? Ano bang nangyari sa inyo ni Adrian nun hinatak ka nya kanina?” biglang iniba ni Yumi ang usapan. 

                “Ah, yun ba. Tatanga-tanga pala yun Adrian na yun eh. Akala niya, ako si Lian. Pagdating namin dun sa park, tinawag pa nya akong amazona. Nakakainis. Sa susunod talaga, babawian ko na yun.” Inis na sagot ni Jenny.

                “Uuyyy, si Jenny. Aminin mo na, nagwagwapuhan ka din naman kay Adrian diba?”

                “Excuse me. Hindi no. Mas gwapo pa din ang Papa Adrian ko. “

                “Pano mo nalaman na gwapo yun, e hindi mo pa nga nakikita. Kaloka ka.”

                “Ah, basta. Nararamdaman kong gwapo si Papa Adrian.” Nagtwinkle-twinkle ang mga mata ni Jenny. Makalipas ang ilang minuto, tapos na sa pagluluto si Jenny at kumain na sila ni Yumi.

                “Goodnight, Jen!” Sigaw ni Yumi habang papunta na sa kwarto niya para matulog. Habang si Jenny naman ay nasa kama na niya at patext-text.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon