CHAPTER 19: Resthouse

573 11 0
                                    

(A.N: Dedicated to KrystelAngeliTuengan. Thank you for adding my story to your reading list. :D)

(---RIO’S POV---)

Good morning madlang people!

Nasa good mood ako ngayon kahit na hindi maganda ang nangyari kagabi. Hmp.

Super maldita talaga nun Lian na yun. Kairita siya.

*flashback*

                “Oh my god! What’s that smell?” reaction ni maldita girl pagpasok ng kwarto namin.

                “Ano pa ba. E di, utot mo!” Hahaha! Napa-utot kasi ako bago siya pumasok.

                “No way! Mabango kaya utot ko at isa pa, ikaw lang naman ang tao dito bago ako pumasok.” Mabango? Kailan pa naging mabango ang utot? Duh!

                “Ay, hindi. Hindi ako umutot. Tumae ako.”

                “Eww! You’re so gross.” Pahiga na sana siya ng kama nang pigilan ko siya.

                “Hep, hep! Ako ang matutulog diyan. Dun ka sa may tabi ng dingding. Shoo.”

                “I don’t care. I’ll sleep in this bed.” Ay, talaga naman. Gusto ko kasi yun kama sa tabi ng balcony para makikita ko kaagad ang haring araw pagkagising ko.

                “No way, highway!” Kaya tinulak ko siya at nalaglag siya sa carpet.

                “Ouch! What the...” tumayo si maldita girl at lumabas ng kwarto. Waley pala siya sa akin eh. Hahaha!

Nakapikit na ako ng biglang bumalibag ang pinto. Uh-oh. May resbak si girl. Ang kanyang baboy...este babe pala.

                “Hey, you!” Oh my god! Si Papa Z! Paglingon ko...

1..

2..

3..

4..

5..

No reaction ako mga ateng! Pano ba naman, naka-topless si Papa Z at naka-shorts lang! As in nakanganga ako at tumutulo ang laway ko. Hahaha!

                “Hey!” sinampal ako ni Papa Z! Isa din ba siyang member ng federasyon? Bakit siya nanampal? Syempre, hindi ako papayag na sampalin niya ako kaya sinampal ko din siya!

                “F*ck! Did you just slapped me?!” halatang nagalit siya sa ginawa ko.

                “Ikaw nauna no! Member ka din siguro ng federasyon! Kalalaki mong tao, nananampal ka!”

                “Pasalamat ka nga at sampal lang inabot mo eh. Gusto mo bang magka-black eye?” Black eye? Ayoko! Sayang ang aking magandang face.

                “Salamat ha! Nahiya naman ako sa sampal mo! Hmp.” Para matapos na ang diskusyon, lumipat ako ng kama. Haring araw, hindi kita masisilayan. T_T

                “Lilipat ka din pala eh. Gusto mo pang nasasampal.”

                “Whuteber! Shoo! Lumayas ka na at matutulog na ako. Magsama kayong mga baboy!” binelatan pa ako ni malditang girl. Sinuwerte lang siya ngayon. At dahil pagod ako, kaagad naman akong nakatulog. Ayos lang kahit nasampal niya ako nakita ko naman ang katawan niya. Hihihihi.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon