CHAPTER 13: Instant Celebrity

704 9 3
                                    

(A.N: Ang HOT body ni Adrian ------------------------------------------------------------------>)

Last day ng final exam ngayon sa Maryland Academy. Lahat ng estudyante ay excited na gumala at mag-relax dahil bakasyon na. Oo, sa mga 1st year at 2nd year students, bakasyon. Pero hindi para sa mga 3rd year students dahil kailangan nila mag-OJT.

                “Whooo! Tapos na din ang exam!” sigaw ni Adrian. Tuwang-tuwa siya dahil makakapaggala na sila ni Jen.

                “Love, hindi ka naman excited?” sambit ni Jen kay Adrian.

                “Excited talaga lalo na at makakasama kita.”

                “Gusto nyo pumunta sa mall?” yaya ni Jiro.

                “Sige ba!” sabay na sagot nila Adrian, Jen at Yumi.

Habang naglalakad sila sa hallway palabas ng school, ang mga estudyante sa Maryland Academy ay binabati si Jiro at Yumi dahil sa commercial nila. Pinalabas na kasi sa tv at kalat na din sa youtube.

                “Jiro! Ang gwapo mo sa commercial!” sigaw ng isang grupo ng mga kababaihan.

                “Bagay na bagay kayo ni Jiro, Yumi!” sigaw naman ng isa pang grupo.

                “Yumi, ang swerte mo! Nahalikan mo si Jiro!” isang grupo pa ng mga kababaihan ang sumigaw.

Nakakunot ang noo ni Jen. Out of place siya. Huli na siya sa balita na nag-shoot ng commercial si Jiro at Yumi.

                “Jiro, anung commercial ang sinasabi nila?” tanong ni Jen kay Jiro.

                “Hindi ba nakwento sayo ni Adrian?” agad naman tumingin si Jen kay Adrian agad naman umiwas ng tingin.

                “Love, tumingin ka sa akin.” Agad naman tumingin si Adrian kay Jen.

                “Ahehehe. Sorry, love. Nakalimutan kong i-kwento sayo. Nag-shoot ng commercial sila Jiro nun nasa Albay tayo. I-kwento ko na lang sayo mamaya un ibang detalye.” Paliwanag ni Adrian.

                “Kailan ka pa naging makakalimutan ha, love?” pinisil-pisil ni Jen ang magkabilang pisngi ni Adrian.

                “Ah! Aray, love. Sorry. Nakalimutan ko talaga. Sorry talaga.”

                “Kailangan ko mapanood ang commercial. Yumi, akin na ang Ipad mo.” Agad naman binigay ni Yumi ang Ipad niya. Umupo silang apat sa isang cottage. Sabay-sabay nilang pinanood ang commercial.

                “Whaaa! Yumi! Ang ganda mo dito at bagay na bagay kayo ni Jiro. Ayieee!” sabay kurot sa tagiliran ni Yumi. Si Yumi naman nagblublush na sa sinabi ni Jen.

                “Th-thank you, bestfriend.” Niyakap naman ni Yumi si Jen.

                “Instant Celebrity ka na, bestfriend! Sana maraming kumuha sa inyo ni Jiro para mag-model ulit.”

Pagkatapos nila panoorin ang commercial, dumiretso na sila sa mall. Naglaro muna sila sa playzone bago kumain.

                “Adrian, one on one tayo!” hamon ni Jiro kay Adrian. Nasa isang shooting arcade sila.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon