CHAPTER 15.2: Desperation

653 9 3
                                    

(---JENNY’S POV---)

 Nakatitig ako ngayon sa kalendaryo na nasa desk ko. Isa-isa kong binibilugan ang mga araw na lumilipas.

 2 weeks.

  

2 weeks na pala ang nakalipas simula ng mag-usap kami ni Jeremy. Simula noon ay naging mailap na ako sa kanya. Kinakausap ko lang siya kapag may i-uutos siya sa akin.

 Nilagyan ko ng heart shape ang first monthsary namin ni Adrian. Sa darating na sabado na pala yun. Wala pa akong nabibiling regalo para sa kanya. Ano kayang magandang i-regalo sa kanya? Ah! Tatanungin ko si Jiro.

  

                “Jiro, ano bang gusto ni Adrian na regalo?”


                 “Regalo? Hindi pa naman niya birthday ah.” Hindi nga pala niya alam kung kelan ko sinagot si Adrian.

  

                “Hindi naman para sa birthday niya. Para sa monthsary namin.”


                 “Ahh! Alam mo, maganda yun handmade na bagay or homemade na food. Lahat kasi nasa kanya na. Kung gusto mo talaga ng espesyal, pwede ka mag-bake ng cookies or gumawa ka ng scarf or kahit anong pinagpaguran mo. Mas ma-aapreciate ni Adrian yun.” Tama! Mag-bake na lang ako ng cookies. Gusto ko man ng cupcake, ayoko naman. Baka maalala lang niya si Jeremy.

  

                “Ang galing mo talaga, Jiro! Teka, favor naman. Pwede mo ba ako turuan mag-bake? Marunong ako mag-luto pero hindi ako marunong mag-bake. Hahaha!”

                “Sure! Pupunta ako ng maaga dyan sa Saturday. Tamang-tama may cooking lessons kami ni Yumi.”

                “Ha? Anong cooking lessons?” aba, may tinatago pala sakin tong si Yumi ha. Hmmm. 2 saturdays na kasi akong nasa galaan kasama si Adrian. Maaga pa lang, umaalis na kami at inaabot na kami ng gabi.

                 “Hindi ba nakwento ni Yumi sayo? Nagpapaturo siya sa akin kung paano magluto tuwing sabado. Hindi nyo na kasi ako naabutan dahil lagi kayong wala ni Adrian.”

                “Ahhh. Speaking of luto, hindi ko pa natitikman ang mga luto mo!” sabi kasi ni Yumi, ang sarap daw mag-luto ni Jiro. Mas masarap pa daw sa luto ko. =_=

  

                “Sige, sige. Sa sabado, pupunta ako dyan. Ako na magluluto ng lunch natin.”

                “Yes! Thanks! Ako na bahala sa ingredients para sa cookies. I-mail mo na lang sa akin yun mga ingredients na kailangan para makabili na ako.” Excited na ako mag-bake!

  

                “Ok. May meeting pa pala ako. Kita-kits na lang sa sabado. Bye!”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon