CHAPTER 18.2: Conversation

563 9 3
                                    

(A.N: Dahil mahal ko kayo, dear readers, another update! ginaganahan si author mag-update ngayon. Hehe. Dedicated to Tabitopseunghyun! Thank you sa pag-add ng story ko sa RL mo.)

(---JEREMY’S POV---)

Lumabas ako ng room dahil hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung anong dahilan ni Jen kung bakit niya ako sinama sa trip na to. Gusto ko siyang kausapin pero bantay-sarado naman siya ni Adrian.

Naiintindihan ko naman si Adrian. Kahit sino naman siguro ay ganoon ang gagawin kapag binastos ang girlfriend nila.

Malapit na ako sa beach nang mapansin ko na may nakahiga doon. Pilit kong inaninag kung sino yun.

Si Jen…

Umiiyak siya. Lalapitan ko sana siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mukhang nakikisama ang langit sa nararamdaman ngayon ni Jen. Agad siyang sumilong sa isang cottage malapit sa infinity pool. Sinundan ko siya. Ayoko din naman mabasa sa ulan.

Nakaupo siya sa isang bar stool na hindi nabasa ng ulan. Lumapit ako at umupo sa katabi niya na stool.

                “Jeremy?!”

                “Hi Jen!” masayang bati ko sa kanya. Agad niyang pinahid ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata niya.

                “A-anong ginagawa mo dito? B-bakit hindi ka pa natutulog?”

                “Hmmm, sabihin na natin na hindi rin ako makatulog katulad mo. Gusto sana kita kausapin kanina kaso bantay-sarado naman sayo si Adrian. Jen, I’m sorry sa nagawa ko. I’m really sorry. Sana mapatawad mo ako.” Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa kanyang mga mata.

                “Jeremy, matagal na kitang napatawad. Ayoko lang sana na maulit pa yun.” Tinanggal niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

                “Jen, I know na sinabi sayo ni Mama ang tungkol sa kalagayan ko. Noon nakita kitang lumabas sa office niya na umiiyak, may kutob na ako.” Dumaan muna ako sa office ni Mama noon makita ko si Jen. Si Mama ang nagkusang sabihin kay Jen ang totoong kalagayan ko at doon ko lang din nalaman na may taning na ang buhay ko.

                “Jeremy…”

                “Jen, I love you more than my life. Please, give me a chance to show it to you.” Nakayuko lang si Jen at tila malalim ang iniisip. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

                “I-I’m sorry. I shouldn’t have said that. I-I just really want to show you how much I love you for the very last time. I know what’s running in your mind now, I’m a selfish guy who is head over heels for you, but I can’t help it and I can’t stop it either.”

                “Jen...” tumayo ako at hinawakan ang kamay niya at lumuhod sa harapan niya.

                “Wi-will you marry me?” doon na ulit nagsimula sa pag-iyak si Jen. Hindi na mahalaga kung may singsing man ako o wala. Ang mahalaga, nasabi ko na sa kanya ang nilalaman ng puso ko.

                “Jeremy...” tumayo ako pero hawak ko pa din ang kamay niya.

                “Jeremy... I’m so-sorry but I can’t answer your proposal now.”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon