CHAPTER 10.2: Caught in the Act

767 12 2
                                    

(A.N: Dedicated to BlendaGarcia. Thank you for being a fan! :D)

Pagkatapos ng event ay nagsi-uwian na ang mga estudyante. May mangilan-ngilan na pumasok sa booth para bumoto sa poll question.

                “Yumi! Bumoto ka na ba para sa poll question?”

                “Hindi pa. Punta na tayo sa booth.” Yaya ni Jen kay Yumi.

Sa loob ng booth, nakita nila si Adrian at Jiro na mukhang boboto na din. Hindi nagpansinan sila Jen at Adrian. Sinadya talagang hindi pansinin ni Jen si Adrian dahil sa ginawa nito kanina. Kaya kung sino man ang manalo sa botohan na ito ay wala na siyang pakialam.

                “Jen, hindi ka na pwedeng bumoto. Tapos na ang botohan.” Sabi ni Yumi kay Jen.

                “Ok lang.” Agad naman lumabas si Jen sa booth. Sinundan naman siya ni Yumi.

                “Uwi na tayo, Yumi. Gusto ko na magpahinga.” Yaya ni Jen. Kanina pa sumasakit ang balikat niya.

                “Tara.”

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pinilit ni Jen pumasok kinabukasan. Kahit masakit pa ang katawan niya. Nilagyan na lang niya ng salompas ang balikat niya para mabawasan ang sakit.

Pagdating sa school ni Yumi at Jen, nakita nila ang mga estudyante na nagkumpulan sa bulletin board. Lumabas na siguro ang results ng poll kahapon.  Agad naman sumingit sila Jen para makita ang results. Pero nagulat si Jen nang mabasa ang results.

POLL QUESTION:

DOES ADRIAN AND JENNY LOOK GOOD AS A COUPLE?

TOTAL TALLY OF VOTES:

YES = 56 VOTES

NO = 3 VOTES

Walang kaalam-alam si Jen na pinalitan ni Adrian ang poll question. Kaya nang mabasa ni Jen ito ay agad siyang tumingin kay Yumi na nag-peace sign. Agad na hinila ni Jen si Yumi palayo sa bulletin board.

                “Yumi. Explain!” halatang naiinis si Jen.

                “Ahm, si Adrian na lang tanungin mo. Siya naman may pakana na palitan yun poll question. Saka ayaw mo ba nun? Hindi ka na magiging pet ni Adrian for a month.”

                “Kaya pala hindi nyo ako pinaboto kahapon, tama ba?”

                “Uhm, oo. Peace tayo, bestfriend ha.”

                “Ok. Kakausapin ko na lang si Adrian mamaya.”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---ADRIAN’S POV---)

Bwahahaha! Walang kaalam-alam si Jen na binago ko ang poll question. Sa tingin ko kasi ay walang silbi yun una namin napag-usapan. Mabuti na nga at binago ko ang tanong para mas maging interesado ang mga tao na bumoto. Binasa ko ang results sa bulletin board. May tatlong naglakas-loob na sumagot ng NO. Palagay ko si Lian iyon at un mga nakabuntot sa kanya.

                “Adrian!” nakita ko si Jen na papalapit sa akin at mukhang bad mood.

                “Yes, my love?” pang-aasar ko sa kanya.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon