CHAPTER 16.1: Realization

592 10 2
                                    

(---JEREMY’S POV---)

Ahhh! Napahawak ako sa ulo dahil sa sobrang sakit. Nandito ako sa office ko. Tumingin ako sa wall clock, 10 am na. Uuwi muna ako saglit para maligo at makapag-bihis. Inayos ko muna ang buhok ko. Pagtingin ko sa salamin, may cut ang labi ko at may mga pasa ako. Ano bang nangyari kagabi at nagkaroon ako nito? Ang huli kong naaalala ay nagpaparty kami kagabi ng mga staff ko. Mamaya ko na lang aalalahanin ang lahat.

Habang nag-aantay ko ang elevator, nakita ko si Jen. Namumugto ang mga mata. Pinaiyak kaya siya ni Adrian?

*DING*

Sumakay na ako sa elevator. Iniiwasan na niya ako simula nun huling mag-usap kami. Gusto niyang kalimutan ko ang nararamdaman ko sa kanya, pero hindi ko yun magagawa. Hindi ko kaya.

*DING*

Pagbaba ko ng elevator, may sumalubong sa akin. Isang intern na nakasama ko sa party.

                “Good morning, Sir. Maayos na po ba ang pakiramdam nyo? Pasensya na po at hindi po namin kayo naihatid sa bahay nyo. Hindi rin po kasi namin alam kung saan kayo nakatira. Kaya dito na lang po namin kayo pinatulog.”

                “Ok lang. Salamat.”

                “Ano po bang nangyari kagabi at pinagsusuntok kayo nun isang lalaki? Boyfriend po ata ni Jen yun. Naawa nga po ako kay Jen kasi tulala po siya at iyak ng iyak habang nagsusuntukan naman kayo nun boyfriend niya.” Biglang bumalik sa akin ang lahat ng magkwento ang intern. Ako pala ang may kasalanan kung bakit namumugto ang mga mata ni Jen.

                “Hindi ko nga rin maalala eh. Salamat ulit ha.” sumakay na ng elevator ang intern habang inantay ko magbukas ang kabilang elevator. Baka sakaling pababa si Jen. Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan ko humingi ng tawad sa ginawa ko. Kaya ayaw na ayaw kong nalalasing dahil kung anu-ano ang nagagawa ko. Pinagbigyan ko lang naman ang mga staff kagabi dahil naghanda talaga sila para sa akin.

*DING*

Nakita ko si Jen. Nang makita niya ako, nabalot ng takot ang mga mata niya. Mabilis siyang lumabas ng elevator at nilagpasan ako. Ano ba itong nagawa ko sa kanya? Hinabol ko siya.

                “Jen, wait!” hinawakan ko siya sa braso.

                “Bi-bitiwan mo ako.” Nagmatigas ako. Iniharap ko siya sa akin. Mas lalong nabalot ng takot ang mga mata niya.

                “Jen, I’m sorry. I’m really, really sorry.” Hindi siya umimik. Kusang tumulo ang mga luha niya.

                “Jeremy, please, leave me alone. I want to be alone. Hindi ganoon kadali ang lahat. Hindi ko alam na kaya mong gawin yun sa akin. With all people, bakit ikaw pa?“

                “Jen, I was drunk. Hindi ko alam kung anong nagagawa ko kapag lasing ako. Kaya ayaw na ayaw kong umiinom. I’m sorry.” Pinahid niya ang mga luha niya.

                “I-I have to go.” Hinayaan ko siyang umalis. Kasalanan ko din naman kung bakit siya naging cold sa akin. She was trying to save our friendship pero pinagpilitan ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Kung noon pa lang ay pinagbigyan ko siya, siguro masaya pa din kami ngayon. Siguro nga, it’s time to forget all my feelings for her. Nakakapagod din maghintay sa wala. Pero, ngayon pa ba ako susuko? I’ve spent three years, loving her. Ngayon pa ba ako susuko? Kung kelan malapit na akong mawala sa mundo?

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon