CHAPTER 12.2: First Move

764 13 3
                                    

(A.N: Ginawa ko pong flashback ang kwento ni Jiro para mas maintindihan nyo. Continuation din po ito ng POV ni Adrian.)

*flashback*

(---JIRO’S POV---)

Tinatawagan ko si Yumi ngayon. Ilang ring lang at sinagot naman ni Yumi ang tawag ko.

                “Hello, Yumi?”

                “Hello, sino to?”

                “Si Jiro to.”

                “Ji-jiro, napatawag ka. Kanino mo nakuha ang number ko?”

                “Kay Jen. May gagawin ka ba ngayon?”

                “Wala naman. Bakit?”

                “Pwede mo ba ako samahan sa shooting?”

                “Shooting? Ng ano?”

                “Alcoholic drink. Ako kasi ang napili nila na model.”

                “Si-sige.”

                “Ok. Susunduin kita after an hour.”

                “Ok. Aantayin kita sa lobby ng JYP.”

                “Ok, bye!”

 After 1 hour ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakita ko si Yumi na busy sa pag-iipad. May binabasa sigurong story. Sabi kasi sa akin ni Jen, mahilig daw magbasa ng mga stories si Yumi sa wattpad.

                “Hi, Yumi!” Pag-angat niya ng mukha niya ay napanganga siya.

                “Isara mo yang bibig mo, baka may pumasok na langaw.” Agad naman niyang sinara at napahiya ata siya sa sinabi ko. Wrong move, Jiro. Haist.

                “So-sorry. Let’s go?” Inoffer ko ang kamay ko sa kanya at agad naman niyang inabot. Magka-holding hands kaming lumabas ng building at iginaya ko siya sa kotse ko.

Hindi ako iniimik ni Yumi. Tahimik lang siya habang nasa byahe kami. Maaga pa naman kaya niyaya ko muna siya mag-lunch.

                “Yumi, saan mo gusto kumain? Hapon pa naman ang shoot. Pasensya ka na kung maaga kitang tinawagan ha. Gu-gusto kasi kitang makita at makasama.” Umiwas siya ng tingin sa akin.

                “Kahit saan basta ba, libre mo.” Dinala ko siya sa isang fancy restaurant. Pinark ko ang sasakyan ko. Pinagbuksan ko ng pinto si Yumi.

Habang inaantay ang mga inorder namin, inipon ko lahat ng lakas ng loob ko.

                “Yumi, can I a-ask you so-something?” utal-utal na tanong ko sa kanya. Nagbabasa siya ulit sa wattpad. May wi-fi kasi dito sa restaurant.

                “Yes.” wala pa nga yun tanong, yes na kaagad?

                “Yes? You mean, pumapayag ka na ligawan kita?” mukhang naguluhan siya pati na rin ako. Ang tanga ko naman. Nahawa yata ako ng katangahan kay Adrian.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon