CHAPTER 25.1: Be my girl

600 9 0
                                    

(A.N: Dedicated this to ^. Thank you for being a fan. :D)

(---ADRIAN’S POV---)

*KKRIIINGG*

Ano ba yan! Panira itong alarm clock ko. Ang ganda pa naman ng panaginip ko.

Nanaginip ako na katabi ko matulog si Jen dito sa kwarto ko at magkayakap kami habang natutulog. Hehe.

Kinapa-kapa ko ang alarm clock ko sa side table para matigil na ito sa pag-alarm.

                “Love, 5 minutes pa.” bulong ni Jen. Ang sarap pakinggan ng boses niya sa umaga.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

May braso na nakayakap sa bewang ko.

Hanggang ngayon pa rin pala, nananaginip ako.

Tumingin ako sa kanan ko. Nakita ko ang mukha ni Jen.

Mahimbing pa rin siyang natutulog.

Hinaplos ko ang mukha niya.

Binigyan ko ng mumunting halik ang mukha ni Jen.

Mula sa noo,

sa mata,

sa ilong,

sa pisngi,

at sa labi.

Pumikit ako ulit at niyakap ko siya ng mahigpit. Ang ganda naman ng panaginip ko. Ayoko na magising pa.

                “Adrian, anak. Gising na! Baka malate ka sa school!” Sigaw ni Mom. Nagulat ako at napadilat. Tumingin ako sa kanan ko. Sh*t! Hindi pala panaginip ang lahat. Nandito talaga si Jen sa kwarto ko. Paano siya napunta dito? Ang higpit pa rin ng yakap niya sa akin.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Mom. Halatang nagulat siya na makita si Jen sa kwarto ko.

                “Ooh. Magkatabi pala kayong natulog. Anak, hinay-hinay lang ah. Gusto namin magka-apo pero hindi pa ganito kaaga.” Apo? Anong sinasabi ni Mom? Baka…

                “Mom, wa-wala pong na-nangyari.” Namula ako sa sinabi ni Mom.

                “Hahahaha! Ocia, bumangon na kayo. Nakahain na ang mga pagkain sa baba. Ako mismo ang nagluto noon. Gusto kasi ni Jen matikman ang mga luto ko.” Sinara na niya ang pinto at bumaba. Pagkasabi niya noon ay agad kong ginising si Jen. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha ko. Ang sarap lang kasi sa feeling na magkatabi kami natulog. Para kaming mag-asawa.

                “Love, gising na. Nagluto na si Mom ng pagkain.” Dahan-dahang dinilat ni Jen ang mata niya at ginusot-gusot ito.

                “Good morning, Love!” hinalikan niya ako sa labi. Sana ganito na lang kami palagi.

Napansin ko na tinakpan ni Jen ang bibig niya at parang naduduwal. Agad siyang pumunta sa banyo ko at nagsuka. Sinundan ko siya at inalo-alo ang likuran habang sumusuka. Pinainom ko siya ng tubig pagkatapos.

                “Love…”

                “Wala ito. Baka siguro doon sa kinain natin na isaw kahapon.”

                “Sigurado ka? Tara, pumunta muna tayo ng ospital bago pumasok sa school.”

                “Ano ka ba. Wag na. Wala ito.”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon