CHAPTER 18.1: El Nido

654 12 4
                                    

(A.N: Dedicated to OhYeahItsMe. Thank you for adding my story to your reading list. ^.^)

(---YUMI’S POV---)

El Nido Palawan! Here we come! Oo, papunta kami ng El Nido, Palawan for 3 days – 2 nights vacation! Whooo! Tapos na ang OJT namin at malapit na din ang pasukan kaya mag-rerelax muna kami. Lahat naman kami pumasa sa OJT. Hehehe.

                “Yumi!” tawag sa akin ni Jiro. Nauna kami nina Jen at Rio dito sa airport. Kasama nga pala namin si Jiro, Adrian, Lian, ang boyfriend ni Lian (mamaya pa namin makikilala) at si Jeremy.

                “Ay, andito na ang mga papable! Ayiiee.” sambit ni Rio. Excited na excited daw siya sa trip na ito dahil ngayon lang daw siya makakalayo sa lungga niya.

                “Ang aga nyo ha.” sambit ni Jiro sa amin. Kasabay niyang dumating si Adrian.

                “Naku, si Yumi pa. Early bird forever. Hahahaha!” sabat ni Jen. Natawa naman si Jiro at Adrian.

                “Hmp. Tigilan nyo nga ako.” *3*

Maya-maya lang ay dumating na sila Lian at si Jeremy. Nang makita ni Adrian si Jeremy ay agad nawala ang ngiti sa mukha niya. Hindi ko nga alam kung bakit pa ito niyaya ni Jen. Napatawad na naman daw niya si Jeremy at kaya daw niya ito sinama dahil gusto niyang i-salba ang kanilang pagkakaibigan sa huling pagkakataon.

                “Bakit andito ka?!” galit na tanong ni Adrian kay Jeremy. Hindi pa nga kami nakakarating ng Palawan ay nagkakainitan na ang mga ito.

                “Love, ako ang nag-imbita sa kanya.” ani ni Jen kay Adrian. Halatang nagulat ito sa sinabi ni Jen.

                “Pasensya ka na, Jeremy.” Turan ni Jen kay Jeremy na agad naman tumango para i-acknowledge ang apology ni Jen.

                “Erm, guys. Enough of that. Everyone, I want you to meet my boyfriend, Zach.” Singit ni Lian. Hanggang ngayon, hindi pa rin naaalis ang ka-malditahan niya. Si Zach ang matagal nang secret admirer ni Lian. Dahil sa pagpupursige, nakuha din niya ang loob ni Lian. Hindi ko nga alam kung paano niya natatagalan ang ugali ni Lian.

                “Zach, these are my friends, Adrian, Jenny, Yumi and Jiro. That gay over there, don’t mind him and oh, Jeremy right?” nakipag-kamay si Lian kay Jeremy at si Zach sa amin nila Jiro.

                “Maganda ka na sana, gurl. Ang chakaness lang ng ugali mo.” Pagtataray ni Rio kay Lian.

                “Whatever. Let’s go?” sagot naman ni Lian. Mukhang hindi lang si Adrian at Jeremy ang magkakainitan kundi pati si Rio at Lian.

Sumakay na kami sa Dornier aircraft. 75 minutes ang byahe from Manila to El Nido, plus 40 minutes boat ride to Lagen Island Resort. Sa Lagen Island Resort namin napili mag-stay dahil bukod sa maganda ang resort na iyon, marami din kaming activities na magagawa tulad ng scuba diving, kayaking at bird watching. Discounted na din ang stay namin sa resort dahil part owner si Dad ng Lagen Island Resort.

After 2 hours ----------------------------------------------------------------------------------------------------

                “WOW!” yan ang tanging nasabi namin ng makarating kami sa Lagen Island Resort. Sobrang ganda at ang peaceful ng place. Hindi rin masyadong crowded tulad ng Boracay. You can see how clear the water is, the fishes that are dropping by the shore, the white sand.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon