CHAPTER 17: Set-up

652 12 0
                                    

(A.N: Dedicated to sayA_green. Thank you for adding my story to your reading list :D)

Nasa tapat na si Jen ng gate nila Adrian. Hindi niya alam kung paano gumagana ang maliit na screen sa gilid ng gate kaya tinawagan na lang niya si Adrian.

                “Love, andito ako ngayon sa tapat ng gate nyo.”

                “Ano?! Teka lang. Magbibihis lang ako. Pupuntahan kita dyan.” Nag-papanic na sagot ni Adrian.

Ilang saglit lang ay lumabas si Adrian dala ang kotse niya. Agad naman sumakay si Jen sa kotse.

                “Love, bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka pala ngayon? E di, sana ako na lang ang pumunta sa inyo.”

                “Bakit? Bawal ba ako pumunta sa bahay niyo?”

                “Hindi naman. Andyan kasi sila Mom at Dad. Bakit ka nga pala pumunta? Namimiss mo na siguro ako no?”

                “Che! Hindi kita namimiss no. May mission tayo ngayon.” Kumunot ang noo ni Adrian sa tinuran ni Jen.

                “Mission? Parang mission impossible ganun?”

                “Oo. I-sesetup natin ng date si Jiro at Yumi. Hindi mo ba napapansin, ang bagal kumilos ni Jiro. I mean, ok yun naisip niya na may cooking lessons siya every saturday pero ang tagal na nun huli nilang date ni Yumi. Kaya tayo ang magplaplano ng date nila.”

                “Hahahahahaha! Akala ko naman kung ano ang sinasabi mong mission.” Tawa pa din ng tawa si Adrian.

                “Anong nakakatawa sa sinabi ko, Adrian Lee?” nagtaas ng kilay si Jen kay Adrian.

                “Ah, wala. Walang nakakatawa.” Tumigil sa pagtawa si Adrian. Umayos ng upo at patuloy sa pagmamaneho.

                “Saan nga pala tayo pupunta ngayon, love?”

                “Hmmm. Teka, tatawagan ko muna si Yumi.” Tinawagan ni Jen si Yumi at sinabing pumunta ito sa Enchanted Fun Land. Isa ito sa mga paborito nilang pasyalan nila ni Yumi kapag bakasyon. Ganoon din ang ginawa niya kay Jiro. Nagdahilan siya dito na hindi niya masasamahan si Yumi dahil may lakad sila ni Adrian.

                “Love, diretso na tayo sa Enchanted Fun Land.”

                “Ha? Anong gagawin natin dun?” eto palang ang pangalawang beses na makakapunta si Adrian sa isang amusement park. Ang unang beses ay noon bata siya.

                “Ano pa bang ginagawa sa amusement park?” pilosopong tanong ni Jen.

                “Sasakay ng rides, kakain, maglilibot at magpapakapagod sa paglalakad.” Sinagot naman ni Adrian si Jen.

                “Talagang sinagot mo yun tanong ko ha. Hahahaha!” napatigil sa pagtawa si Jen nang biglang tumunog ang cellphone niya.

                “Hello, Yumi?” hinahanap na siya ni Yumi dahil nasa amusement park na ito. Ilang saglit lang ay narinig ni Jen sa background ang boses ni Jiro.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon