CHAPTER 10.1: Couple of the Year

752 21 10
                                    

 (A.N: Dedicated to ChaLovesYou dahil cute daw ng cover ko. :D)

Maaga pumasok sina Yumi at Jenny. Nakaupo sila ngayon sa isang bench sa quadrangle.

                “Yumi, kinakabahan ako pero excited na ako maglaro. Sana manalo kami ni Adrian. Wag lang talaga siyang lalampa-lampa. Naku. Lagot talaga siya sa akin.”

                ”Kahit ako, Jen. Kinakabahan ng sobra. Ano kaya mangyayari sa amin ni Jiro. Whaaa!” nagulat ang dalawa ng may nagsalita mula sa likod nila.

                “Hi Yumi, Hi Jen!” bati ni Jiro. Suot na nilang apat ang couple shirt na binigay sa kanila. Required ang mga couple na mag-jogging pants para kapag nadapa man sila ay hindi kaagad sila masusugatan at para sa sapatos, required naman sila magsuot ng running shoes para mas maging komportable sila sa pagtakbo.

                “Hi Jiro. H-hi Adrian.” Bati ni Jen. Umupo ang dalawa sa bench. Katabi ni Jiro si Yumi at si Adrian naman, si Jen.

                “Jen, nakatulog ka ba ng maayos kagabi?” tanong ni Adrian. Si Jiro at Yumi naman ay nakikinig lang at nag-aantay ng sagot ni Jen.

                “O-oo naman. Bakit mo natanong?”

                “Baka kasi bigla kang madapa mamaya dahil sa antok. Hahaha! Tandaan mo, may pustahan tayo. Kaya kapag nadapa ka mamaya, talo ka na.” Pang-aasar ni Adrian.

                “Oo, alam ko! Leche. Panira ka talaga ng araw.” Inis na sagot ni Jen at nag-pout siya. Dahil sa ginawa ni Jen, hindi napigilan ni Adrian na pisilin ang dalawang pisngi ni Jen.

                “Wag ka na magtampo. Eto naman, binibiro ka lang. Ang cute cute mo!” sagot ni Adrian habang pinipisil ang dalawang pisngi ni Jen.

                “Aray naman! Lubayan mo nga yun pisngi ko.” Sabay hampas naman ni Jen sa braso ni Adrian.

                “Ano ba kayo. Tigilan nyo nga yan. Ang dami ng langgam oh.” Pang-aasar ni Jiro kay Adrian at Jen. Bigla naman nahiya ang dalawa kaya tumahimik na sila. Si Jiro naman ay lihim na natutuwa sa nangyayari sa dalawa. Ngayon lang niya nakita si Adrian na ganoon ka-sweet sa isang babae. Oo, marami siyang naging flings noon pero malamig ang trato niya sa mga iyon. Hindi tulad ngayon, hindi tulad ng ginagawa niya kay Jen.

*Krriiinngg*

*test mic* * test mic test* ------> tinetest ng SC president ang mic.

“Good morning, everyone!” bati ng SC president.

“Excited na ba kayo para sa event natin ngayong araw?”

“Whooo! Yes! Oo!” sagot ng mga estudyante na nagtipon-tipon sa quadrangle.

“Mabuti naman! We have a total of 50 couples na maglalaban-laban ngayon. Ready na ba ang mga participants? Pumwesto na kayo dito sa table kung saan nakalagay ang mga task card.”

“Bago natin simulan ang event, may ilang paalala lang ako sa mga couples. Ang bawat couples na mahuli na nangdadaya o hindi sumusunod sa rules ay disqualified na kaagad. Maraming nagbabantay sa inyo. Bukod sa mga SC staffs at professors, may mga volunteer students din.”

“Para naman sa mga nanonood, bawal tulungan or i-coach ang mga couples. Oo nga pala, after ng event pwede po kayo pumunta sa booth at bumoto para sa POLL QUESTION for the day. Ito ay request ng isa sa mga participants. So, after ng event, pumunta kayo ng booth at bumoto.”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon