CHAPTER 12.1: Something's fishy

748 13 5
                                    

(A.N: Pic po ng necklace nasa gilid. -------------------------------------------------------------->)

(---YUMI’S POV---)

Dumating na kagabi si Jen. Hindi ko na siya kailangan sunduin dahil ihahatid naman daw siya ni Adrian. Excited na akong marinig ang mga kwento niya. ^_^

                “Jen! Bilisan mo. Mag-rereview pa tayo sa school.” May long test kami ngayon araw kaya dapat mag-aral ng mabuti. Lalo na si Jen, dahil scholar siya. Maya-maya lang, lumabas na si Jen.

                “Wow. Ang blooming mo ngayon ha.” Bungad ko kay Jen paglabas niya ng kwarto.

                “Thank you!” pagkasabi niya noon ay bigla naman nya akong tinitigan.

                “Naglagay ka ba ng makeup?” tanong ni Jen.

                “Ahm, oo. Hindi ba bagay?”

                “Bagay. Nagtataka lang ako dahil may makeup ka ngayon samantalang hindi ka mahilig mag-makeup. Something’s fishy.” Hindi talaga ako mahilig mag-makeup. Naisip ko lang magpaganda ngayon. Wala naman masama diba? Hahaha!

                “Anong something’s fishy?”

                “May nangyari ba habang wala kami ni Adrian dito?” lakas talaga ng instinct ni Jen.

                “Wa-wala. Bakit mo naman naisip na may nangyari, andito lang naman ako sa condo.” Pagsisinungaling ko kay Jen. Saka ko na lang ikwekwento sa kanya ang mga nangyari.

                “Wala talaga? Sigurado ka?” nakangisi nyang tanong sa akin.

                “Wala nga. Tara na nga. Ang dami pa natin rereviewhin pagdating sa school.” Yaya ko kay Jen. Agad naman akong lumabas ng pinto. Inhale, exhale.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---JIRO’S POV---)

Pagkabalik na pagkabalik ni Adrian, nagkwento na kaagad siya sa akin tungkol sa mga nangyari sa resort. Nai-kwento din niya ang tungkol sa lalakeng lasing na bumastos kay Jen. Naku, kung andun lang din ako, baka tinulungan ko pa si Adrian.

Maryland Academy

Nandito kami sa isang cottage nila Adrian kasama si Yumi at Jen. Nag-aaral ng mabuti si Jen. Scholar siya kaya mas matinding pag-aaral ang ginagawa niya. Kami naman nila Adrian, chill lang. Pare-parehas naman kaming matatalino. Pero, syempre, hindi naman kami nagpapabaya sa pag-aaral. Magkatabi kami ni Adrian, si Yumi nasa kanan ko at si Jen nasa kaliwa naman ni Adrian.

                “Yumi, ang ganda mo ngayon.” Bulong ko sa kanya. Nag-blush naman siya. Kahit may blush-on na siya, namula pa rin ang mukha niya.

                “Thank you.” Lihim kaming naka-holding hands sa ilalim ng mesa ng cottage. Hindi naman nag-reklamo si Yumi nun hinawakan ko ang kamay nya.

Hindi ko pa nakwekwento kay Adrian na nagsimula na ako ng first move ko kay Yumi noon wala sila. Kinalimutan na ata ni Adrian ang tungkol sa usapan namin. Lalo na ngayon at sila na ni Jen.

                “Jiro!” nagulat ako ng biglang sinigaw ni Adrian ang pangalan ko.

                “Pinsan naman, ang lapit-lapit ko lang sayo, bakit kailangan mo pang sumigaw?”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon