CHAPTER 7: The Meet-up

812 16 5
                                    

(---JENNY’S POV---)

Maaga kaming pumunta ni Yumi sa Starsky Coffee Shop. Nakaupo kami sa kasuluk-sulukan ng shop. Nakaupo ako sa isang couch style na upuan na nadikit sa dingding. May harang sa gilid kaya hindi agad makikita ng tao kung may nakaupo doon o wala. Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Sinuot ko ang favorite turtleneck sleeveless cheetah dress na regalo sa akin ni Yumi last year nun birthday ko. Nagsuot din ako ng black belt na medyo malapad para ma-emphasive ang curves ng katawan ko. Naglagay din ako ng manipis na makeup at pinonytail naman ni Yumi ang buhok ko. Para naman sa sapatos, hiniram ko ang blank ankle shoes ni Yumi. Tinatawanan nga ako ni Yumi kanina bago pumunta dito dahil overdressed daw ako.  Hindi naman daw kasi party ang pupuntahan ko kundi isang meet-up lang. =_=

(A.N: Nasa gilid po yun pic ni Jenny nun meet-up. ---------------------------------------------->)

Nasa tabi ko ngayon si Yumi. Simple lang ang suot niya. Nagsuot lang siya ng sleeveless tank top at nag-cardigan na color pink, jeans at sneakers. Simple lang talaga manamit si Yumi. Sa mga special occasions lang siya nagbibihis ng todo. Super busy nya ngayon sa pagbabasa. Kung minsan, ngumingiti na lang bigla.     

“Ui, patingin nga ng binabasa mo. Kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan.” Inagaw ko kay Yumi ang Ipad niya.

                “Teka lang! Maganda na ang scene!” pilit na inaagaw ni Yumi ang Ipad niya pero hindi ko binigay sa kanya. Binasa ko ang title.

                “Crazy textmates to crazy couple? So, baliw-baliwan ang characters?”

                “Tch. Hindi no. Akin na nga yan. Hindi ka naman mahilig magbasa ng mga ganyan eh.” Pilit ulit inagaw ni Yumi sa kamay ko ang Ipad.

                *3* -------> itsura ni Yumi nun hindi ko binalik ang Ipad nya.

                “Teka nga. Babasahin ko lang ang introduction.” Hmmm. Mukhang maganda ang story. Tungkol sa isang girl na nagka-crush sa ka-textmate nya kahit hindi pa nila nakikita ang isa’t isa sa personal.  Teka, parang ako lang to ah! Hindi ko na tinapos ang pagbabasa dahil baka mainis lang ako sa huli kaya binalik ko na kay Yumi ang Ipad.

                “O, ayan na.” Iniabot ko kay Yumi ang Ipad at ngumiti siya.

                ^_^

                “Sabi ko na nga ba, hindi mo type to eh. Nakakatawa nga kasi kung ano ang nakasulat dito, yun din ang mga nangyari sayo. Parang ginawa ang story na ito para sayo. Hihihi.”

                “Tumigil ka nga dyan. Posible ba yun? E ni hindi ko nga kilala ang author nyan.” Sabay irap ko kay Yumi. Tumingin ako sa cellphone ko para tingnan ang oras. 3 pm na pala. Andito na kaya si Papa Adrian ko? :3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(---ADRIAN’S POV---)

Kanina pa ako nasa labas ng Starsky Coffee Shop. Nakaupo lang ako sa loob ng kotse ko. Tinitingnan ang bawat tao na pumapasok at lumalabas sa coffee shop nang bigla ko napansin si Ms. Chewing gum kasama ang kaibigan niyang si Yumi na pumasok sa coffee shop. Hindi ko mapigilan mapatingin sa suot ni Ms. Chewing gum. Ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda ang katawan niya. Lalo na ang maputi at makinis niyang legs. Teka nga! Hindi dapat yun ang iniisip ko. Erase, erase!  

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon