CHAPTER 3: Amazona

865 15 4
                                    

(A.N: Dedicated to keepyoursmile! Thank you my first ever fan here in wattpad. :D)

(---ADRIAN’S POV---)

 (A.N: Picture ni Adrian habang nag-DDJ sa YG CLUB. ---------------------------->)

Nakakatawa talaga ang itsura nun babae kanina nun nilagyan namin ng chewing gum ang upuan niya ay dumikit sa palda nya. Hahahahaha!

*ahem, ahem*

Bago nga pala ang lahat. Magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Adrian Lee. Ang pinakagwapo dito sa Maryland Academy at ako lang din naman ang anak ng may-ari ng school na to. Hahahaha! So, ano? Papalag kayo? Hahahaha! Joke lang. Mabait naman ako pero tuwing nasa school ako, hindi ko maiwasan na hindi asarin ang mga estudyante dito. Wala naman sila magagawa eh. ANAK ako ng may-ari kaya kahit anong gawin nila, ako pa din ang masusunod dito. Batas to eh.

Asan na nga ba tayo?

 Ah!

Dun sa babaeng nilagyan namin ng chewing gum. Nakakatawa talaga yun pero hindi ko inaasahan na susugurin niya ako at may balak pa ata akong suntukin. Ngayon lang, as in first time na mayroong sumugod sa akin. Hindi nga lang nya tinuloy ang pagsuntok niya. Naisip nya siguro kung ano ang magiging consequence nun kung sakaling tinuloy niya. Hahaha!

Nasa cafeteria kami ni Jiro ngayon. Ang gwapo kong pinsan. Syempre, mas gwapo pa din ako. Magkapatid ang daddy niya at ang daddy ko kaya parehas na Lee ang surname namin.

                “Grabe. May naglakas ng loob na patulan si Lian.” Sabi nun isang estudyante na napadaan.

                “Oo nga. Kawawa naman si Lian. Mukhang malakas pa naman yun babae.” sagot naman nun kasama nya.

Habang papunta kami ng cottage, naabutan pa namin si Lian at si Ms. Chewing gum (Yan na muna ang tawag ko sa kanya ngayon. Tutal, hindi ko rin naman alam ang pangalan nya) na nag-aaway. Parang amazona lang si Ms. Chewing gum. Ang higpit ng hawak nya kay Lian. Nang makita ako ni Lian, humingi kaagad siya ng tulong sa akin.

                “Adrian, help me!” sabi ni Lian.

Pero hindi ko siya tinulungan. Nilagpasan ko lang siya. Alam kong kasalanan din naman nya kung bakit nagalit si Ms. Chewing gum. Hahahaha! Malakas din kasi mang-asar at may pagka-salbahe din kasi tong si Lian. Pero nagbago ang isip ko. Hinila ko yun braso na unang nahawakan ko hanggang sa makarating kami sa park sa tabi lang ng cottages.

                “Aray! Ano ba. Bitiwan mo nga ako!” Sh*t. Hindi si Lian ang nahatak  ko. Kundi si Ms. Chewing gum!

                “Hoy! Lasing ka ba? Bakit ba bigla-bigla ka na lang nanghahatak ha?! Ni hindi mo nga tiningnan kung sino ang nahatak mo.”

                “Teka nga. E bakit ngayon ka lang umaangal ha?!”

                “E pano ba naman, ang bilis bilis ng lakad mo. Halos kaladkarin mo na ako papunta dito.”

                “Pfff. Dyan ka na nga.”

                “Aba! Kita mo to! Ikaw na nga ang humatak sa akin dito, ikaw pa may ganang mang-iwan!”

                “Ewan ko sayo. Amazona!” Naglakad na ako palayo at baka kung ano pang gawin sa akin ng amazona na to. Nakit ko na lang siya na naunahan na ako sa paglalakad.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon