CHAPTER 6: Announcement

790 17 3
                                    

 (---YUMI’S POV---)

                Nandito na kami sa quadrangle ngayon ni Jenny. Tulad nga ng sabi ni Mam Santos, may important announcement daw kaya ang daming estudyante ang nandito ngayon sa quadrangle. Halos lahat kami, clueless kung ano ang important announcement na yun.

*test mic*

Ang presidente ng student council yun. Tinetest ang mic. Hahaha!

Ilang minuto pa ang nakalipas at nagsalita na ang presidente ng student council.

*President of Student Council*

Everyone!

May important announcement kami sa inyo.

Next week, may big event na gaganapin dito sa school at ang event na yun ay ang...

*drum rolls*

 BATTLE OF THE COUPLES! Whooo!

(Hindi naman halata na excited tong presidente ng student council. Kahit ang ilang estudyante ay excited na din.)

Dahil na rin sa naging successful ang Battle of the Couples last year, marami ang nag-donate at nag-sponsor this year!

Once a year lang hineheld ang event na ito kaya ang mga mapipiling couples na maglalaro ay inaasahang makikipag-coordinate. Huwag kayong KJ.

At katulad ng dati, mayroon kaming inihanda na PRIZES.

Para sa 3rd placer na couple, ang prize ay, two gift certificates sa isang luxury Spa.

Para naman sa 2nd placer na couple, dinner for two sa St. Louise Restaurant. Isa sa mga luxury restaurants ngayon.

Para sa Champion couple, they will enjoy 2 days and 1 night stay sa isang luxury resort sa Albay. Inclusive of food, use of jet ski and yacht at madami pang iba. This is an all expense paid trip.

Ang mga challenges ay sa mismong araw ng event nyo malalaman. Bawat couple ay bibigyan ng TASK CARD kung saan nakasulat ang challenge. Kung sino ang mauuna na malalagpasan lahat ng challenge ang siyang mananalo.

Each course will have two couple representative. Ang class adviser nyo ang mamimili kung sino ang isasali nya sa event na to.

For more details, check the bulletin board. So, goodluck sa mga mapipiling couples!

Pwede na kayo pumunta sa mga respective classrooms nyo.

                “Bongga ng mga prizes, Yumi! Sana mapili ako ni Mam Santos! Gusto ko yun grand prize!” sabi ni Jenny na excited na excited. Last year kasi, hindi siya ang napili na sumali. Kaya nabuhayan na naman siya ng loob ngayon lalo pa’t mas bongga ang mga prizes na ipamimigay ng student council ngayon kesa last year.

                “Halata nga. Hahaha!”

                “Tch. Ikaw naman. Suportahan mo naman ako, bestfriend!” pagtatampo ni Jenny.

                “O sige na. Alam mo naman na kahit hindi ako nagsasalita, suportado naman kita.”

                “Thank you, bestfriend! Sana mapili din kayo ni Mam Santos.”

                “Ha? Anong pinagsasasabi mo dyan? Ayoko nga. Alam mo naman na lampa ako.”

                “Haist. Ano ka ba. Kayong dalawa ni Jiro as a couple. O diba? Masaya yun!”

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon