CHAPTER 27: Rainbow after the rain

575 7 0
                                    

(A.N: Dedicated to glydelbalinas. Thank you for adding my story to your reading list.)

(---JENNY’S POV---)

                “Jeremy…” wala pa rin tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang nakatingin sa puntod ni Jeremy.

He died with a smile in his face. I was the last person who saw it.

                “Love, let’s go.” Sambit ni Adrian. Alam niyang masakit pa rin hanggang ngayon sa akin ang pagkawala ni Jeremy. Isang linggo na ang nakalipas nang mamatay si Jeremy. Ito na rin siguro ang huli kong pagdalaw sa puntod niya. Alam kong masaya siya kung nasaan man siya ngayon. Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin bago siya mawala.

*flashback*

Nasa bahay na ako nila Adrian. Nakalabas na ako ng ospital noon isang araw. Nakahiga ako ngayon sa kama ni Adrian nang tumawag si Tita Beth para ibalita ang nangyari kay Jeremy. Agad ko naman pinuntahan si Adrian sa kusina at sinabi kung ano ang nangyari.

Hospital

                “Jeremy, be strong.” Nasa tabi niya ako, umiiyak at nakahawak sa kamay niya. Binigyan kami ng oras ng mama niya para makapag-usap. Namumutla na siya at nanghihina. May dextrose na nakakabit sa kanang kamay niya.

                “Jen, don’t cry, please. Hindi makakabuti sayo at sa baby mo yan.” Pinahid ko ang mga luha ko at pinigil ang pag-iyak.

                “Ikaw naman kasi eh. Magpalakas ka na para hindi na ako iiyak.” Kinakagat ko ang labi ko para hindi na ulit ako maiyak.

                “Hahahaha! Alam mong imposible mangyari yun. Ito ang nakatadhana sa akin.” Niyakap ko siya habang nakahiga siya. Gusto kong maramdaman niya na mahalaga pa rin siya sa akin. Kumalas siya sa pagkakayakap at iniupo ulit ako.

                “Jen, I’m really sorry. Alam kong nasabi na ni Adrian sayo ang desisyon ko, pero gusto kong sabihin ulit sayo to ng personal.” Hindi ako umimik. Nakinig lang ako sa kanya.

                “Sorry kung naging bulag ako dahil sa pagmamahal ko sayo. Sorry kung naging makasarili ako. Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. Si Yumi at isang malakas na sampal ang nakapagpa-realize sa akin nun. Jen, I’m letting you go. I want you to be happy. Promise me that even if I’m gone you’re going to be happy and stay happy with Adrian.” Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya.

                “I’ve already forgiven you, Jeremy. I promise that I’ll be happy.” and then he smiled at me while I’m holding his hand. After a few seconds, he slowly closed his eyes and then a long beep came from the machine.

*BEEEEEP*

                “DOC! NURSE!” sigaw ko. Isang doktor at dalawang nurse ang pumasok kasabay sila Tita Beth at Adrian. Niyakap ko si Tita Beth.

                “Clear!” Ilang beses sinubukan ng doktor na buhayin si Jeremy. Hindi pa rin bumabalik ang heartbeat niya.

                “Time of death: 5:43 PM” turan ng doktor.

                “No! Doc! Subukan nyo pa ulit!” sigaw ni Tita Beth, umiiyak ito at niyakap ang anak niya.

                “I’m sorry, Mam.” Umalis na ang doktor at nurse. Naiwan kami sa loob ng kwarto kung saan isang malamig na bangkay na si Jeremy. Niyakap ako ni Adrian at doon ko binuhos lahat ng sakit. Umiyak ako ng umiyak.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon