CHAPTER 28: Hatred

612 10 2
                                    

(A.N: Dedicated to MissLollyPop. Thank you for being a fan and for adding my story to your reading list. ^_^)

(---JENNY’S POV---)

                 “Love, bangon na!” napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sigaw ni Adrian.

                 “Bakit ka ba sumisigaw?!” ayan na. Inaatake na ako ng katarayan ko.

                “Malalate na po kasi tayo. Sorry.” Lumapit sa akin si Adrian at hinalikan ako sa noo. May pasok pa nga pala kami. Nakakatamad pumasok. Dahil siguro sa pagbubuntis ko kaya parang tamad na tamad ako sa lahat ng bagay.

Pagkatapos kong mag-ready ay bumaba na ako para kumain. Magkatabi na kami natutulog ngayon ni Adrian. Hihihihi. Hinahanap-hanap ko kasi ang amoy niya at saka pumayag na din naman sila Tita na doon na ako matulog para daw mabantayan ako ni Adrian.

                “Oi, love. Bakit ka ngingiti-ngiti dyan?” hindi ko namalayan na napangiti ako ng maalala ko yun. Hehe. Kinikilig kasi ako. Parang mag-asawa na talaga kami.

                “W-wala!” tumabi ako sa kanya at nagsimula na kumain, pero wala akong gana. Hindi ko gusto lahat ng nakahain sa mesa. Ang hirap maging buntis! Kahit ang sasarap pa ng mga pagkain, iba ang hinahanap ko.

                “Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong ni Adrian. Nakatitig lang kasi ako sa mesa. Parang gusto ko nang...

                “Gusto ko ng...”

                “Ng ano, hija?” tanong ni Tito Dwight.

                “A-ah, ng ano po, siomai.” Bigla akong nag-crave sa siomai. Masarap din kasi iyon i-ulam sa kanin. Yum!

                “Teka, love. Mayroon ata sa kusina. Magpapa-steam ako.” Tumango na lang ako at dali-dali pumunta ng kusina si Adrian.

                “Ganyan talaga pag buntis, hija. Huwag kang mahiya magsabi ha?” turan ni Tita Lanie.

                 “O-opo.” Ilang minuto din tumahimik ang bahay. Busy kasi sa pagkain sila Tita.

                “Malapit na pala ang kasal nyo. Sa susunod na buwan na. Naayos na namin ang lahat. Gusto nyo bang i-move ang kasal?” biglang tanong ni Tito Dwight. Nai-kwento na pala namin sa kanila ang tungkol sa pag-propose ni Adrian. Nai-record din pala ni Adrian ang lahat ng nangyari noon gabi na iyon kaya pinanood na din naming kanila Tita kahit medyo nakakahiya.

                “Huwag na, Dad. Tama na siguro ang isang buwan para makapaghanda kami.” Singit ni Adrian at may dalang isang plato ng bagong steam na siomai. Amoy pa lang, masarap na! Umupo na ulit siya sa tabi ko at nagsimula na akong kumain. Gumawa muna pala ako ng sauce para sa siomai. Syempre, ano pa ba? Toyo with calamansi. Hehe.

Pinagmasdan lang nila ako habang kumakain na parang ngayon lang sila nakakita ng tao na inuulam ang siomai.

                “Hmmm. Ang sarap!” hindi ko napagilan ang sarili ko. Kumain lang ako ng kumain hanggang sa maubos ko ang siomai.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon