CHAPTER 16.2: Cookies

625 12 3
                                    

(A.N: Dedicated to PrincessFamia. Thank you for adding my story to your reading list. ^_^)

(---ADRIAN’S POV---)

First monthsary pala namin ni Jen ngayon. Buti na lang at tumawag ang magaling kong pinsan para ipaalala sa akin. Agad akong bumangon sa kama at nag-ayos. Pupuntahan ko muna ang spa at ang restaurant na pupuntahan namin dahil espesyal din ang araw na to. Una kong pinuntahan ang restaurant.

                “Good morning, Sir.”

                “Nandyan ba ang manager nyo?” tanong ko sa waiter na lumapit sa akin.

                “Opo, Sir. Saglit lang po at tatawagin ko.” Maya-maya lang ay dumating na ang manager.

                “Yes, Sir. May problema po ba?”

                “Wala naman. Gusto ko sana ipa-decorate ng maganda ang restaurant mamaya.” Pinakita ko sa kanya ang gift certificate na binigay sa amin ng school.

                “Ooh. Kayo po pala ang nanalo. Sige po sir. Pagagandahin po namin ang restaurant mamaya. Exclusive po itong restaurant para sa inyo, Sir. Anong oras po ba kayo pupunta ng partner nyo para ma-ready na po namin lahat.”

                “8 PM.”

                “Ok, Sir.

                “Thank you.”

Agad naman akong umalis sa restaurant at pumunta sa spa. PIna-ready ko na din sila. Hindi naman kalayuan ang spa sa restaurant kaya kahit 6 pm na kami pumunta ni Jen dito ay ok lang. Umuwi muna ako sa bahay para kumain at magpalit ng damit. Humiga ako saglit sa kama at hindi ko namalayan na nakatulog ako.

*You cast a spell on me, spell on me,You hit me like the sky fell on me, fell on me*

Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang Iphone ko.

                “Hello?”

                “Oi, pinsan! Asan ka na ba?! Kanina pa umiiyak ang girlfriend mo dito!” bumangon ako at tiningnan ko yun oras, 5:30 na!

                “Wag mo siyang paalisin, Jiro! Sabihin mo, magbihis na siya. Papunta na ako dyan.” Agad kong binaba ang tawag ni Jiro. Argh. Kulang kasi ako sa tulog dahil na rin sa OJT ko sa kompanya namin. Ang hirap maging presidente ng kompanya, pano pa kaya kapag naging CEO ako?

Dali-dali naman akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito para makarating ako kaagad sa condo ni Yumi.

HIngal na hingal ako pagdating ko sa harap ng condo ni Yumi. Pagkalabas ko kasi ng elevator ay tumakbo ako. 6 pm na. Kailangan ko na makuha si Jen para sa spa treatment.

*DING DONG*

Pinagbuksan ako ng pinto ni Yumi. Hindi ko na inantay na papasukin niya ako, pagpasok ko sa loob, hinila ko si Jen na nakabihis na. Namugto na naman ang mata niya. Agad ko siyang dinala sa kotse.

                “Love, sorry. Late ako dumating. Tara na?” tumango lang siya. Inilapit ko siya sa akin at hinawakan ang mukha niya at hinaplos ito.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon