CHAPTER 22: History repeats itself?

591 8 2
                                    

(A.N: Dedicated to fizzyrica. Thank you for being a fan! :D)

(---JENNY’S POV---)

Lahat ng tao sa hall ay nakatingin kay Adrian. Ilang saglit lang ay may bumukas pa na isang spotlight at nakatapat ito kay Elise. Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.

                “My son, Adrian and Elise, please come here in front.” Utos ng daddy ni Adrian. Sinunod naman niya ito at pumunta sa harapan pati ang spotlight ay sumunod din sa kanilang dalawa.

                “Now, everyone. I would like to announce that my son, Adrian and Elise Kim are engaged.” Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng hall.

                “WHAT?!” sabay na sagot ni Adrian at Elise. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat sa tinuran ng daddy ni Adrian.

                “You two are engaged. The engagement party will be held two weeks from now.”

Nang marinig ko ang balita na iyon ay kusang kumilos ang akin mga paa papalabas ng hall.

Isa-isang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Hindi ko alam na meron pa akong iluluha. Halos isang buwan na din akong walang tigil sa pag-iyak.

Tumakbo ako papalabas ng bahay nila hanggang sa gate nila.

Gusto kong makalayo sa lugar na iyon.

Masakit pala malaman na ang taong mahal mo ay magpapakasal sa iba.

Ngayon, alam ko na. Alam ko na ang mararamdaman ni Adrian kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Jeremy.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang umiiyak. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa isang bar.

YG CLUB ang pangalan nito. Familiar sa akin ang pangalan nito pero hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig.

                “Kuya, isa ngang inumin. Yun matapang.”

                “Sigurado ka ba, Miss?”

                “Mukha ba akong nagbibiro?” tinarayan ko ang bartender.

                “Hindi. Eto.” Agad naman niyang inabot ang isang baso ng alak sa akin.

Inisang lagok ko ang binigay niya sa akin at humingi pa ako ng isa pa hanggang sa nasundan pa ito ng isa. Pang-lima ko na ngayon, medyo nahihilo na ako at nanglalabo na din ang paningin ko, pero diretso pa din naman ako magsalita.

Malakas ang alcohol tolerance ko pero mukhang hindi ko kinaya ang iininom ko. Malakas ang tama nito sa akin, kaya madali akong nalasing. Habang tinitingnan ko ang baso na may lamang alak, may isang lalake na tumabi sa akin. Iinumin ko na sana ang alak ng pinigilan ako nito at siya ang tumungga sa alak ko.

                “Bakit mo ininom?! Hindi ka ba marunong umorder nang para sayo?!” singhal ko doon sa lalake.

                “Kuya, isa pa.” At binigyan naman ako ulit ng bartender, pero kinuha ulit ito nang lalake na katabi ko.

                “Alam mo, ang epal mo!” hindi nagsalita ang lalake. Hindi ko siya masyadong mamukhaan.

                “Tara na.” Pilit niya akong tinayo pero tinulak ko siya.

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now