13th Plan

55K 821 44
                                    

Dumiretso na kami nila Jelly at Annie sa sacred garden, meron naman kaming mga baon. Meron na ding mga students dun na nagpapalipas oras. 

"Yung mga nasabi ko kanina kay Sir Javier... feeling niyo ba nabastos ko siya?" Panimula ni Jelly ng makaupo kami.

"I don't think so. Hindi lahat ng bagay, ikinukwento. Eh yun lang ang kaya at gusto mong sabihin eh. I guess... he should, at least, respect your privacy." 

"Sa bagay... may point ka." 

"Pero alam niyo, feeling ko parang nasa interrogation room ka kanina, Zeria. Kada sagot mo sa tanong niya may mga follow up questions agad. Siguro nai-insecure yun!" Sabi ni Annie

"About naman dun... feeling ko din eh. Para bang ang gusto niyang sabihin, wag na kong mag aral dito at maghanap na lang ng panibagong school."

"Dahil siguro nakita niyang afford niyo naman sa mga private schools. Bago siguro sa kanya yung idea na merong multi-millionaire na nag aaral sa isang public school." Sabi ni Jelly.

"But this school is for everybody. As long as nagbabayad ng mga tax ang magulang natin, na sumusuporta sa mga ganitong public schools, lahat may karapatan."

"Too deep! Hayaan niyo na lang yun. Ang mabuti pa, kumain na tayo." Sabat ni Annie.

Nang matapos na kaming kumain, nag cr lang kami at nag punta na sa classroom namin. Nandun na din si Bryle na nakasubsob sa desk niya.

"Alam niyo ba, ngayon ko lang nakitang ganyan ang style ni Bryle." Bulong ni Annie samin.

Biglang kinilig si Jelly. "Ang gwapo nga niya eh. Pero sa'yo lang siya Zeria."

Napalingon ako kay Bryle at napakunot ang noo ko. "Anong sakin? Kay Dianne kamo!" 

Nagulat ako ng biglang umayos ng upo si Bryle, naka dekwatro siyang umupo at ini-akbay niya kaliwang braso niya sa upuan ni Dianne. Hinawakan naman ng right hand niya ang batok niya at pinalagutok yun Nakapikit lang siya kaya naman napatitig ako sa kanya ng malaya. Pero nagulat ako ng bigla siyang nag ng mulat at diretsong tumingin sakin at ngumiti siya na parang ewan. Kaya naman inirapan ko kaagad siya at umayos ng upo. 

"Hi Bryle!" Sabi ni Jelly sa kanya. Nakagat ko ang labi ko ng ma-realize na hindi imposibleng magkagusto siya kay Bryle. "Okay ka lang? Para kasing ang tamlay mo eh!" 

"Naku! Lagi namang ganyan yang si Bryle. Pagka-lunch, matutulog." Dagdag naman ni Annie. 

"Nag-aalala ka ba sakin... Jelly?"

Napahawak ako sa dibdib ko ng wala sa oras. Bakit ganyan silang mag usap? Hindi naman sila masyadong nag uusap nung mag punta kami sa Mutya last week. 

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon