33rd Plan

35K 523 22
                                    

Madilim na ang langit ng bumalik ulit kami sa may ilalim ng punong inukitan niya. Nagpunta pa kasi kami sa tiangge kung saan kami unang nagkita.

Sumandal si Bryle sa puno at pinahilig niya ko sa balikat niya.

"Alam mo... akala ko langit ka. Akala ko hindi kita kayang abutin. Akala ko hindi mo ko mapapansin. Akala ko kasi wala tayong pag asa. Akalain mo yun, nandito ka ngayon sa tabi ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya Zeria. Minsan nga naiisip ko parang ilusyon lang to lahat. Parang hindi kasi kapanipaniwala..."

Kinagat ko ang labi ko parang pigilan ang paghikbi. Hind ako iiyak. Hindi Bryle. Sana ganon ka din...

Kinuha niya yung kaliwang kamay ko, pinisil pisil niya yun at saka hinalikan...

"Zeze... sa ngayon, eto muna..." may isinuot siyang singsing sa finger ko. "Pag nakatapos na tayo sa pag aaral, mag tatrabaho ako... para mabilhan kita ng mas maganda at mas mahal na singsing na bagay sa'yo. Wag kang mag alala, stainless naman daw yan, kaya hindi yan kukupas at kakalawangin. Wag mo munang tatanggalin at hangga't wala pa kong ipapalit. Pinapangako ko sa'yo na ikaw lang Zeze. Wala na kong iba pang gustong pagbigyan ng singsing kundi ikaw."

Nalasahan ko na yung dugo ko sa labi sa sobrang pagkakakagat ko para lang hindi ako maiyak, ang sakit sakit pala sa lalamunan pag pinipigilan mong humagulgol.

Hinalikan niya yung daliri ko kung saan niya isinuot yung singsing.

"Pwede bang isuot mo din sakin to?" Inilagay ni Bryle yung isa pang singsing na katulad nung sakin, pero mas malaki nga lang.

Huminga ako ng malalim at ibinalik ko sa kamay niya yung singsing.

"I'm sorry Bryle, pero gusto ko ng maging fair sa'yo..." tumayo ako at humarap sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka, naguguluhan siyang tumayo para magkatapat kami.

"G-gusto mong maging fair? Hindi ko gets Zeze."

"Itigil na natin to Bryle, ititigil ko na to. Tama ka sa naiisip mo... ilusyon lang lahat to. Ilusyon na ako ang lumikha! Sa tingin mo ba magkakagusto ako sa'yo? Hindi. Ginamit lang naman kita eh. Mayaman ako Bryle, spoiled brat! Lahat ng gusto ko, gagawin ko whatever it takes. Pinaniwalang gusto kita para mapaisip ka, sinubukan kong gawin lahat para mapansin mo. Kasi kailangan kita. At hindi naman ako nabigo Bryle."

"Zeze, a-ano bang sinasabi mo?" Hinawakan niya ang kamay ko at agad kong binawi.

"Ginamit lang kita Bryle. Listen, masama ang loob ko kila mommy at daddy. Ang sabi nila sakin, vacation lang. Pero tignan mo nga! Dito ako nag aaral. Nagtityaga akong mag aral sa probinsya! Wala akong opportunity dito. Hindi ito ang nakasanayan ko, akala ko pag may ipinakilala akong boyfriend sa kanila na..." tinignan ko siya mula ulo hanggang paa... "na kagaya mo, mahirap. Magagalit sila at ibabalik nila ko sa Manila. Pero hindi nila ginawa yun kahit na tutol talaga sila, kasi alam nila na may kasalanan sila sakin! Hindi ka nakatulong Bryle. Hindi nag work ang mga plano ko, wala kang silbi sakin. Kaya hindi na kita kailangan."

"H-hindi totoo yan Zeria. Ramdam ko. Nung kinausap ako ng daddy mo, alam kong hindi sila ganong klase ng tao. May nagawa ba kong mali Zeria? Sabihin mo sakin, para makabawi ako. Para alam ko..."

"Pwede ba Bryle! Tama ang mam--" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mali... hindi dapat.

"Sino Zeria? Sino ang tama? At bakit ka makikinig sa sinasabi ng iba? Independent ka Zeria! Matalino ka. Pero bakit kailangan mong paniwalaan yung ibang tao?"

Hindi siya ibang tao Bryle... mama mo siya.

"Kasi totoo naman! Tama yung sinasabi ng matatanda. Dalawa lang naman talaga ang patutunguhan ng isang relasyon, it's either ikasal sila or maghiwalay. Bata pa tayo Bryle. Marami pa tayong makilalang iba. Isa pa, hindi naman talaga kita gusto. Kaya tama na.  Naaawa na ko sa'yo. Umuwi ka na sa inyo!"

Tinalikuran ko siya at dun na nagbagsakan lahat ng luhang pinipigilan ko. Anong pinagkaiba ko sa mga matapobreng taong tinutukoy ng mama niya?

Niyakap ako ni Bryle sa likuran.

"Wag Zeria. Wag mo kong iwan dito. Ayokong mawala ka. Alam ko sa sarili ko na mahal mo ko. Ramdam na ramdam ko na totoo yung mga pinakita at pinaramdam mo sakin, Zeze. Kaya please, wag ka naman ng ganyan..."

Naramdam ko ang mga luhang pumapatak sa balikat ko galing sa mga mata niya.

"Sige na Zeze... bawiin mo na lahat ng sinabi mo sakin. Sorry na... sorry na kung mag nagawa akong masama or may nasabi ako. Masyado ba kong nagmamadali para sa future natin? Sige, hindi na. Hindi na ko magsasalita tungkol dun, ang iisipin ko na lang muna eh yung present, etong mga nangyayari satin at kung anong meron tayo. Please, Zeria... please."

Parang sinasaksak yung puso ko ng paulit ulit sa mga salitang binibitawan niya. Parang gusto ko ng bawiin lahat ng sinabi ko.

Ano bang kinatatakot ko sa mama niya? Na kakausapin niya sila mommy? At anong sasabihan niya? Yung naabutan niya na naghahalikan kami ni Bryle? Handa ako sa gagawin nila mommy sakin pag nalaman nila yun.

Ano pa? Sasabihin niya na hindi naman ako bagay kay Bryle. Kasi mahirap lang sila? Wala naman akong pakialam dun eh, nagustuhan ni daddy si mommy nung mga panahon na ang alam lang niya kay mommy eh isang babysitter ni Ate Riley. Kaya maiintindihan nila ko. Dahil never silang nangmaliit ng tao na mas mababa ang estado ng buhay kumpara sa kanila.

Ang kinatatakot ko lang naman eh... yung magkasamaan sila ng loob ng mama niya. Mahal na mahal ni Bryle ang mama niya, at hindi ko kukwestyunin ang pagmamahal ng isang ina sa anak niya. Ayokong magkaroon sila ng lamat. Ayokong maging selfish sa part ng mama niya...

Hinawakan ko ang kamay niya Bryle at tinanggal ko yung sa pagkakayakap sakin.

"Tapus na lahat ng meron satin Bryle... tinatapos ko na. Tanggapin mo na lang yung desisyon ko. Dapat nga sinisimulan mo na kong kamuhian sa kasamaang ginawa ko sa'yo. Wag kang mag makaawa sakin... kahit anong gawin mo, hindi magbabago ang tingin ko sa'yo."

Iniwan ko siya dun kinatatayuan namin ng hindi ako lumilingon. Nang alam kong medyo malayo na ko sa kanya, saka ko lang siya nilingon.

Parang ako na ang pinakamasamang tao. Nakaluhod siya sa damuhan, tulala. Nakatingin siya sa direksyon kung saan ako naglakad nung iniwan ko siya

Halos hindi na ko makahinga sa pag buhos ng mga luha ko... unti unti Bryle... matatanggap natin lahat ng to...

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon