6th Plan

66.5K 852 22
                                    

"What??!!" Napanganga si Annie.

"Yes... and we don't have to argue about that, seriously."

 

"Well, you're right. Kung sino man ang magustuhan ni Bryle satin... no hard feelings, ah?"

 

"Of course! That's why we're friends, right?" Ngumiti lang si Annie at napabuntong hininga si Jelly.

"Akala ko naman masisira agad ang friendship nating tatlo. Hoo!" Natatawang sabi ni Jelly.

"Hindi no! Hindi naman kami narrow minded ni Zeria."

 

"So, ano? Tara na?" Tumayo na kami at naglakad papunta sa exit gate ng school. Paglabas namin, nakita ko yung driver namin na nakasandal sa may kotse at nagbabasa ng newspaper.

"Manong Edgar!" Lumingon siya sakin. Kinuha niya sakin ang bag ko. "Mauna na po kayo. Tatawag na lang po ako pag magpapasundo na po ako. Tinawagan ko na si mommy." Pero ang totoo, hindi ko pa natatawagan si mommy. Kinuha ko yung cellphone ko at coin purse sa bulsa ng bag.

"Sige po, Miss Zeria." Nginitian ko siya at naglakad na palayo.

"Ang sosyal mo naman, Zeria." Sabi ni Jelly.

"Bakit naman?"

 

"May sundo ka pa talaga. Take note... talagang BMW ang service mo!" Nginitian ko na lang.

Hindi pa naman ganon kalayo ang nalalakad namin, pero sigurado ako na wala na kami sa bayan. Kung kanina, puro tricycle, motors at may mga kotseng dumadaan, dito naman mga bikes. Wala na ring mga buildings and fastfoods. Puro bungalow type na ng bahay ang nandito. Marami ding mga puno. Puro may garden ang bahay dito, kahit na maliliit lang. Hindi mainit, kasi matataas ang puno.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Jelly.

"Medyo."

Nag e-enjoy ako sa mga nakikita ko. Kasi lahat to, bago sa paningin ko. Pero bago ko pa makalimutan, Ini-inform ko na si mommy na mamaya pa ko uuwi.

"Ayun!!!" Turo ni Annie. Kaya tinignan namin yung itinuturo niya. Bungalow type din yung bahay, may pintura, at may mini garden din, pero hindi bulaklak ang tanim, kundi mga gulay. Naglakad papunta dun si Annie, kaya sinundan namin siya.

"Hello, Tita!" Sabi ni Annie dun sa medyo may edad na babae na nag wawalis sa bakuran niya.

"Oh, Annie! Naparito ka?"

 

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon