14th Plan

51.7K 755 46
                                    

"Manok ko yan!" Snabi ni Jelly kay Annie na parang kinikilig silang pareho. Hanggang ngayon namumula pa din ang pisngi ko. Tinutukso pa din kami. Nakayuko lang ako. 

"Ahhhh! May iba siyang gusto! Huhuhuhu!!"

"Hooo. Bago yan Bryle ah!"

"Ikaw ba yan?! Dahilan ng pagbabagong anyo." 

"Crush ko din yan, Pre!" 

Halos mabingi ako sa mga sigawan ng bago kong classmate. Nung tinignan ko si Ma'am Ella, nakangiti din siya at parang kilig na kilig. Mas namula ang pisngi ko ng tignan niya ko at nginitian niya ko ng nakakatukso.

"Wag na nga kayong maingay!!" Napalingon ako kay Dianne dahil bigla siyang sumigaw. "Wala kayo sa palengke! Hindi na kayo nahiya! Merong teacher sa harapan tapus ganyan kayo!" Dagdag pa niya.

"Hooo! Nag seselos ka lang!" Sigaw nung isa kaya nagtawanan ang buong klase.

"Hmp!" Padabog siyang naupo at umirap sa kawalan.

"Okay classmates! Let's continue!" Sigaw ni Annie na halata ring nagpipigil ng tawa. 

Hanggang sa matapos ang eleksyon tulala lang ako. Bakit naman gagawin ni Bryle yun? I mean... bakit ako pa ang muse niya? Lahat ng nabotong class officers nagpunta sa harapan. Kasama din si Jelly, secretary ata siya. Vice president naman si Arcx. 

Natapos ang first day na lutang ako. Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o mawi-weird-uhan sa ginawa niya. 

"How's your first day?" Salubong sakin ni mommy.

Ikinuwento ko kay mommy ang mga nangyari. 

"Ang ganda ganda talaga ng anak ko! Ang dami agad nag ka-crush sa'yo!"

"Mom! Ganun naman talaga pag may bago. Pero pag lumipas ang mga araw, wala na ulit yan."

"Well, let's see. Sige na, may bihis ka na. Para makapag dinner na tayo pag dating ng daddy mo."

"Bakit ang tagal ni daddy?" 

"Eh kasi alas dos na siya nakapunta sa office. Nako-konsensya nga ako kasi yung mga meeting niya kaninang umaga pina-resched pa niya."

"It's okay mom. Di mo naman ginusto yun." 

Umakyat na ko sa room ko at nagpahinga muna sandali bago mag shower. Nanlalagkit kasi ako eh.

Ang bilis ng mga araw, dahil friday na ngayon at P.E pa namin. Every monday kasi computer, tapus sa tuesday music, wednesday art, thursday health, and friday p.e. 

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon