58th Plan

38.2K 557 38
                                    

Inayos ko na lahat ng gamit na dadalhin ko para sa pag babakasyon ko. Sa isang araw na kasi yung flight ko. Sinabi ko kila mommy na baka sa Australia ko mag bakasyon. Pero ang totoo, sa Palawan lang. Member kasi ako ng isang private resort dun, kaya dun ko na lang gugugulin yung limang buwang bakasyon ko.

Siguro mas okay na rin to na malalayo muna ko sa city. Masyado na kasing maraming nangyayari. Nakakasawa at nakakapagod din.

Dalawang maleta na puro damit na ang naiimpake ko. And for sure, kulang pa to para sa five months.

Lumabas ako ng kwarto dahil sa malalakas na katok sa pintuan ko. Pagkabukas ko, bumungad sakin si Jaeina kasabay ng pagbato niya sakin ng mga pictures.

Napayuko ako sa gulat at nakita ko yung mga Nagkalat sa sahig yung mga pictures ni Bryle na pumapasok dito sa unit ko. Tapos meron din na nag grocery siya para sakin. Meron din kaming picture sa terrace. Kaming dalawa ni Zylen nung nag kasagutan kami sa labas at nung nagkagulo na dahil sinapak siya ni Bryle.

Dirediretsong pumasok si Jaeina sa unit ko at pabagsak niyang isinarado yung pinto.

"How can you explain that to me? Huh?"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa hiya at dahil na rin sa nakokonsensya ako.

"Magsalita ka!!"

"I'm sorry..."

"Yan lang ba yung kaya mong sabihin? I trusted you, Zeria! Nagalit ako sa'yo dahil nagsikreto ka sakin. Dahil hindi mo pinaalam na si Bryle yung lalaking kinalokohan mo noon. And then you betrayed me?"

"It's not really my intentio--" natigil ako dahil sa lakas ng sampal sakin ni Jaeina.

"Mga bata pa lang tayo, lagi na tayong ikinocompare ni Mommy. Bilib na bilib siya sa'yo, Zeria! Proud siya dahil ang dami mong achievements na natatanggap sa school. Lagi niyang sinasabi sakin na 'Ang galing talaga ng anak ng Tita Ciara mo.' Ang talino mo, ang talented mo, ang galing mo. Sinasabi niya sakin na tularan kita. Kaya nga pinilit kong maging model eh, dahil sa tingin ko hindi mo naman gugustuhin yung career ko. Noon pa lang naiinis na ko sa'yo. Naiinggit ako dahil bakit ganito lang ako. Marami na kong napatunayan sa modelling, pero bakit kulang pa rin? Alam mo bang isa ka sa nagiging dahilan ng failed relationships ko? Dahil everytime na ipapakilala kita, after nun, magtatanong sila ng magtatanong tungkol sa'yo. Then I met Bryle. The way he treated me was far different from all the guys I've been dating. Lalo na nung ipinakilala kita sa kanya. Mas naging sweet pa siya sakin nun. Natutuwa nga ako dahil hindi siya kagaya ng mga lalaki na naa-attract sa'yo. Tapos ganyan yung makikita ko. Masarap ba siyang humalik, huh? Nadala ka na rin ba sa mga haplos niya? May nangyari ba sa inyo?"

Yumuko ako dahil sa hiya na nararamdaman ko ngayon.

"We never went that far." Humagulgol na ng tuluyan si Jaeina. Lalapitan ko sana siya pero sinenyasan niya ko na wag ko ng ituloy yung gagawin ko. "Wag kang mag alala... matutuloy pa rin ang kasal namin. Hanggang dun ka na lang Zeria. Kahit ano pang gawin mo, mananatili ka na lang na isang masamang babae na pumatol sa lalaking ikakasal na." Inayos ni Jaeina yung sarili niya at lumabas na siya ng unit ko.

Pinulot ko isa isa yung nga picture na nagkalat sa sahig.

Nanghihina ang mga tuhod ko habang humahakbang ako pabalik sa kwarto.

Things are getting worst. Lahat ng saya na naramdaman ko, eh merong kapalit. Nawalan ako ng kaibigan... sa kabila ng mga sinabi niya sakin na naiinggit siya sa kung anong nakukuha ko, nakikita ko pa rin sa mga mata niya na concerned siya sakin everytime na may nangyayari sakin. Hindi ko siya masisisi. Kahit saang anggulo kasi, ako yung mali. Ako yung may kasalanan. Deserving ako sa sampal niya. Siguro kahit ako yung nasa posisyon ko, ganon din ang gagawin ko. Baka higit pa.

(c) Eilramisu

**maikling update lang to. Pati sa susunod pang dalawang chapter (59th and 60th). May reason po ako :) hintayin na lang yung 61st. Dun na magsisimula ang lahat.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon