22nd Plan

35.4K 592 12
                                    

"Miss isang order nga nitong menudo." Tumingin sakin si Bryle pagkatapos niyang um-order. "Anong gusto mong drinks?"

"Ha? Wala. Wag na, may water ako." Hindi kasi ako masyadong mahilig sa softdrinks, nakakasira ng figure.

Tumango tango si Bryle at kinuha niya yung ni-order niya.

"Tara. Hindi naman siguro magagalit sila Annie kung hihiramin kita sa kanila tuwing lunch." Namula ako sa sinabi niya. Kaya tumalikod na lang ako. Nakakahiya kung makikita pa niya. Then realization struck me. Hihiramin niya ko tuwing lunch? Does it mean... sabay kami laging mag lunch? Nese eken ne be eng lehet??! Kenekeleg eke!!! Wtf!! "Syempre kung hindi ka din magagalit."

"H-hindi ah! Okay lang sak--haaah!" Napatigil ako sa paghinga dahil sa pagkagulat. Gulat na bigla na lang may malamig na bagay na umaagos sa dibdib ko. Napatingin ako sa nasa harap ko... mga ngiting nang uuyam na itinago sa likod ng pagkagulat ang nabungaran ko sa mukha niya, kasama ang mga kaibigan niya.

"Omg! Sorry! Hindi ko sinasadya. Hindi kita napansin." Sabi niya habang hawak ang plastic cups na may tira pang kalahating juice.

"Okay ka lang ba Zeria?" Nilapag ni Bryle yung tray na hawak niya at naglabas siya ng panyo. Dali dali niyang ipinunas yun sa dibdib ko. Mas lalo akong natigil sa pag hinga. Para kasi akong na kuryente. What izz happening to me?!! Think, Zeria! "S-sorry..." Napatigil dinsi Bryle sa ginagawa niya. Para siyang napaso na biglang binawi yung kamay niya.

"O-okay lang. Thanks."

"Mas extra ka bang damit? Basang basa kasi yang ano... ahm..."

"Oo, meron. Samahan mo naman ako." Tinapunan ko ng masamang tingin si Dianne. Kung kanina mukha siyang gulat-gulatan, ngayon galit na siya.

"Tara na Bryle." Hinawakan ko siya sa braso. At nung katapat ko na si Dianne, hinawakan ko siya sa kamay at itinapon ko rin sa kanya yung juice na natira.

Rinig na rinig ko ang mga mura niya nung naglalakad na kami paalis.

Hindi ako pinanganak na talunan, sinasabi lagi ni mommy sakin yan pag may mga nangbubully sakin nung kinder pa ko.

Dumiretso kami ni Bryle sa locker room, tama din talaga si mommy na maglagay ng isang extra set ng uniform. Hindi ko alam kung yung reason ba niya na mabuti na ang may extrang uniform or alam niya na may mangyayaring ganito sakin.

Pagkabihis ko, nagpunta na kami ni Bryle sa garden. Konti na lang ang mga estudyanteng kumakain. Ilang minuto na lang din kasi matatapos na ang lunch break.

"Zeria..." bulong ni Bryle pagkatapos niyang uminom ng iced tea, "gusto kitang ligawan."

Literal na nasamid ako, nakakahiya lang. Wa poise. Hinahagod pa ni Bryle yung likod ko, at inabutan niya ko ng tubig. Kada hagod niya sa likod ko, parang may current na dumadaloy sa spine ko.

Nang mahimasmasan ako, nagsalita ulit siya. "Kung tutuusin nga girlfriend na kita."

"Ha? Paanong nangyari yun?"

"Baka nakakalimutan mo na yung sinabi mo nung gabing una tayong magkita."

Biglang nag flashback sakin lahat ng mga nangyari nung gabing nanganganib ako sa dalawang panget na gangster.

"Tactics lang yun no. Baka din nakakalimutan mo na tinanggihan mo ko nung gabing yun!"

"Okay, okay! Hindi ko naman hinihingi ang consent mo eh. Hindi din kita tinatanong. Ang sabi ko kasi..." Itinuon niya ang siko niya sa mesang kahoy na nakapalibot sa trunk ng puno at nilapit niya ang mukha niya sakin, "gusto kitang ligawan." Pagkasabi niya nun, tumayo siya at nag unat. "Tara na."

Nag bell na kasi, hudyat na tapus na ang lunch break. Hudyat din na pwede na kong huminga at kiligin.


(c) Eilramisu

SORRY PO MEDYO NATAGALAN. ANYWAY, MAG A-UPDATE DIN PO AKO, IT'LL BE SOON, REAL SOON. MWA MWA :-*

FOLLOW ME ON INSTAGRAM >> @arliecious_eff

THANK YOU AND ENJOY!!

LOVE LOTS ♥

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon