43rd Plan

39.9K 692 59
                                    


Umuwi ako sa bahay namin sa Alabang na kinagulat ni mommy at ni Harvey. Buti wala dun si daddy kasi ang iisipin nun may problema ako kaya nandun ako. Dumiretso ako sa garden namin... ang tagal tagal  ko na rin siyang hindi nakikita eh. Miss na miss ko na siya. Buti nga matibay siya... buti hindi niya ko iniiwan kahit na ako napabayaan ko siya.

"Oinky poinky..." mahigpit ko siyang niyakap. Kahit man lang dito. "Kamusta ka na, ha? Inaalagaan ka ba nila ng mabuti dito? Bakit nangayayat ka ata? Binibilhan ka ba nila ng fresh veggies?" Yung ribbon na nasa leeg niya, yun pa rin yung ribbon niya nung binigay siya sakin. "Sorry oinky kung napabayaan kita ha? Gusto mo bang sumama sakin sa condo? Kaso baka mamaya hindi ka pwede dun, isa pa lagi akong wala eh. Walang magbabantay sa'yo dun. Dito ka na lang muna ulit ah..."

"Zeria... can we talk?" Tinanguan ko si mommy at nag punta kami sa gazebo. "So... magkwento ka naman sakin. Ang tagal na nating hindi nakakapag usap..  you know... girl thing."

"Sorry mommy... okay. Babawi po ako. Mag kukwentuhan tayo ngayon."

"How's your business?"

"I'm happy that it's great mom... from one client to now i don't know."

"Because that's really your dream and passion. You wanted to witness a lot of happy couples... aren't you envy them?" 

"Why would I, mommy?"

"Because they are happy... they have each other, now they were happily married. And look at you Zeria.. you're not getting younger. When do you plan to find--"

"I'm not looking for a guy that you know..."

"Because from the very beginning, all you wanted was him... he's getting married now."

"What should I do?"

"Free yourself... forgive yourself for hurting him. Forget everything about him..."

"If only I can mommy..." Niyakap ako ni mommy at hinalikan sa noo.


I need a break. Gusto kong mag unwind. Yung ako lang talaga. Ayoko ng habang namamasyal ako, may kumakausap sakin or kahit kumukulit. That's why I decided to go to a mall in Edsa. 

Kung anong galante ni mommy sa mga friends niya, samin na family niya, kabaligtaran naman ako. Laging nag rereklamo sila Annie pag kasama nila, kesyo ang kuripot ko daw. Hindi ko daw sila nililibre, but I do pag may mga clients kami na bigtime talaga. Pero pag mga normal na clients, kanya kanya muna kami. May pinaghahandaan kasi ako. May pinaglalaanan ako ng pera ko. Pero pag ako lang mag isa, magastos ako. Nag e-exceed pa nga sa limit yung credit card ko, pero sabagay, once in a blue moon lang naman ako kung mag shopping. Reward ko na rin yun sa sarili ko. 

Ang dami ko ng napuntahan na boutique, ang dami ko naring napamili, ang dami kong bitbit na paperbags at kung anu ano pa. Parang hindi ko na matandaan kung kailan ko pinasalubungan sila mommy, daddy, at si Harvey. 

Pakiramdam ko ang laki ng pagkukulang ko sa kanila, parang simula nung hindi na ko nakatira sa bahay, bihira ko na lang silang makausap. Kung hindi pa ko tatawagan ni mommy, hindi ko pa sila makakamusta.  Nagtatampo na nga rin si daddy eh, parang dati daw ang close close namin, kami lagi yung nag uusap pag may mga gusto ako na hindi ko makuha, pero nagbago ang lahat...

Nagpunta muna ko sa parking lot para ilagay lahat ng pinamili ko sa kotse. Hindi pa ko tapos mag shopping, ayoko ring mag bitbit ng  isang katerbang paperbags. Mamimili pa ko para sa mga staff ko sa shop, siguro magugulat sila. 

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon