26th Plan

35.1K 546 4
                                    

"Good morning!" Bati sakin ni Bryle.

"Anong ginagawa mo diyan?" Nakaupo kasi siya sa hagdan eh.

"Hinihintay ka. Akin na yang bag mo!"

"Ako na, Bryle. Kaya ko naman."

"Akin na nga sabi. Ako na magdadala. Nasa 4th floor pa yung room natin. Mapapagod ka."

"Kaya ko na nga. Para namang first time kong umakyat sa 4th floor."

"Ako na po prinsesa ko. Wag ng mapilit, kasi hindi ako papayag." Wala akong nagawa kaya ipaubaya kay Bryle yung bag ko. Ikaw ba namang makarinig ng mga ganon galing sa mahal mo. Ewan ko na lang kung di ka pa pumayag.

"Excuse me! Ano ba yan. Ang aga aga may langaw!"

Napataas ako ng kilay sa sinabi ni Dianne. Haharapin ko na sana siya pero hinawakan ako ni Bryle sa kamay at sabay kaming umakyat at naiwan si Dianne na nag iinarte.

Nag start na yung klase pero wala si Jelly sa upuan niya. Napapansin ko din si Annie na panay ang lingon niya sa upuan ni Jelly.

Nag lunch time na't lahat pero walang Jelly na dumating kahit late.

"Zeria, Annie, alam niyo ba kung bakit hindi pumasok si Jelly?" Tanong samin ni Arx nung nasa corridor na kami.

"Hindi nga eh. Tina-try kong tawagan yung cellphone niya kanina. Pero cannot be reach." Halata sa boses ni Annie na nag aalala siya.

"I did the same thing. Pero hindi ko ma-contact yung cellphone niya."

"She's not like this. Lagi akong nakaka-receive ng mga text niya every morning. Pero kanina, wala. Puntahan natin siya mamaya after class." Suggestion ko.

"Much better. Sasama ako."

"Sige, Arx. Mag lunch muna tayo. Gutom na kasi ako eh." Sabi ni Annie.

"Are you okay?" Tanong ni Bryle habang kumakain kami sa may garden, kasabay na rin namin si Annie and Arx.

"Hmm, oo. Iniisip ko lang si Jelly."

"Pupuntahan naman natin siya mamaya di ba? Sa ngayon, kumain ka muna. Para may energy ka. Eto pa oh." Nilagyan pa ni Bryle ng adobo yung kainan ko. "Kumain ka ng marami."

Tumango na lang ako at sinunod ang gusto niya.

Magkakasama kami nila Bryle, Annie, and Arx sa kotse ko. Hindi pa rin kasi nagpaparamdam si Jelly, kaya pupuntahan na talaga namin siya.

Ang oa lang kasi isang araw lang siyang umabsent. Jelly is sweet and thoughtful. Hindi mo siya mauunahang mag text sa'yo ng good morning araw araw. Lagi niya rin kami ire-remind na may assignment sa ganitong subject, kailangang aralin to, may quiz sa ganito. Ganon siya lagi.

"Nandito na po tayo, Miss Zeria."

Bumaba kami ng kotse at kinatok namin yung bahay ni Jelly. Nakasarado yung mga bintana, at walang sumasagot sa tawag namin.

"Mga bata anong kailangan ninyo?" Sabi nung isang matanda na lumabas sa kabilang bakuran.

"Ahm, classmate po kasi namin yung nakatira dito. Gusto lang namin alamin kung bakit hindi siya pumasok kanina." Paliwanag ni Arx.

"Ah eh ganon ba. Eh nako! Kagabi pa umalis yung mag a-ama eh."

"Umalis? Saan daw po nagpunta? At kailan daw po ang balik?" Hinawakan ni Bryle ang kamay ko at pinisil pisil niya.

"Hindi ko alam kung saan ang punta eh! Basta marami silang dalang bag. Nagpaalam lang saakin si Ricardo, aalis na daw sila at hindi na mangungupahan saamin."

"Baka nagkakamali lang po kayo. Wala naman pong nabanggit si Jelly samin. Hindi nga lang namin siya ma-contact." Sabi ni Annie.

"Nako mga ineng. Eh hindi niyo na talaga siya mako-contact. Eto at nasa akin ang cellphone ni Jelly. Ibinenta sa akin kagabi ni Ricardo. O siya sige, aalis pa ako. Maiwan ko na kayo diyan." Pagkaalis ng matanda, sabay ng pagtulo ng luha ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at walang tigil yung agos ng luha ko. Nakita ko rin si Annie na humihikbi. Nakaalalay sakin si Bryle at hinahagod lang niya yung likod ko.

Tinignan ko si Arx na namumula na ang mga mata at mahihpit na nakakuyom yung fist niya.
"Bakit tayo iniwan ni Jelly? Bakit hindi niya sinabi satin?!" Humahagulgol na si Annie at naawa ako sa kanya. Mas madalas kasi silang magkasama ni Jelly nitong mga nakaraang linggo.

Niyakap ko siya ng mahigpit at dalawa kaming umiyak.

"Saan ka pupunta Arx?" Narinig kong sinabi ni Bryle kaya nilingon namin siya ni Annie.

"Diyan lang sa tabi tabi. Mauna na ko. Hindi na ko sasabay." Garalgal na rin ang boses ni Arx. Lahat kami apektado. Tinapik lang siya ni Bryle sa balikat.

Hinatid na namin si Annie sa bahay nila. Walang nag sasalita samin habang nasa biyahe kami.

"Sa school na lang ako bababa, Zeria." Sabi ni Bryle.

"Ha? Bakit? Hindi na, idadaan ka na namin."

"Hindi na kailangan. Kaya ko naman at mapapalayo pa kayo. Kailangan mo ng makauwi para makapag pahinga ka."

"Sigurado ka?"

"Oo. Tatawagan na lang kita mamaya. Mag iingat kayo."

"Sige. Hihintayin ko yung tawag mo Bryle. Mang Edgar, sa school na lang po."

Bago bumaba si Bryle ng kotse pinisil pisil niya muna ang kamay ko.

"Wag mong i-stress ang sarili mo ah? Mag meryenda ka pagkauwi."

"Okay po."

"Siguraduhin mo ah?"

Tumangu tango lang ako sa sinabi niya. Hinipan nanaman niya ako sa mukha at bumaba na siya.

Nung nakaandar na yung kotse, may na-receive akong text galit sa kanya.

"Wag mo munang masyadong isipin si Jelly. Baka bukas nasa school na ulit siya. Take care. Mahal na mahal kita prinsesa ko."


(c) Eilramisu

Good night treat :-* i love you all.

Follow me on INSTAGRAM>> @arliecious_eff

Thanks for following me. I love you all.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon